Naks! Umaano na si Franshezcka naku sumbong niyo nga kay Fafa Psyche! :3 Hahahaha!
~*~
"Bat ka umiiyak habang tinitignan mo yung Happy Family kanina? nagseselos kaba?"
WTF?! Ansarap hampasin sa mukha nitong lalaking to, hindi pa rin ako tinatantanan hanggang ngayon!
"Diba yun yung lalaki na kasama mo sa Galaxy Hotel? bat iba ang kasama niya ngayon?"
Naiinis ko siyang sinamaan ng tingin, ngumisi lang ito at humalakhak.
"Unang-una hindi sila Happy Family kasi Asawa ko yung lalaki at anak ko yung Baby extra lang sa story namin yung isa Pangalawa Oo siya nga yung sa Hotel Pangatlo bat ayaw mo pa akong tantanan?!"
Humagalpak naman to gawa para mas lalo akong mairita.
"Ansaya mo huh?" sarcasm period.
"Hindi ako naniniwala sayo! Ambata mo pa tingin ko ng magkasing kaedaran lang tayo eh, i'm 26 ikaw mukhang 25 kapa lang..Saka malabong may baby kana.."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Kinse anyos nga nabuntis na ako pa kayang 25 na? Asan utak mo?" pambabara ko humalakhak nanama to gawa para mairita ako. Asan naba kasi yung driver na pinasunod ko?! kahit kelan talaga oh wala pa naman akong dalang cash.
"May hinihintay ka?"
"Obvious ba? Tumatambay lang ako dito, lamig kasi ng aircon nila." pambabara ko ulit tumawa nanaman ito. Baliw na nga siya! literal!
"Pwede kang sumabay sakin mukhang iinjanin ka ng kakitaan mo eh." ngising bulalas nito, tinaasan ko siya ng kilay
"Hindi ako pwedeng injanin nun Driver namin yun ng ASAWA KO." diniinan ko talaga ang last para isampal sakaniya ang katotohanan ngumisi lang ito habang nakahalukipkip
Okay, may maputi siyang kulay... Sing puti siguro ng papel dejowk OA na.. As in maputi! Nagmukha tuloy akong morena ngayon pa't kasama ko siya. Matangos ang ilong at masyadong mapula ang labi, singkit medyo ang mata nito at matangkad actually nga hanggang balikat lang niya ako eh. At oo malakas ang dating niya, lalo na anlalim ng dimple nito. Geez!
"Makatitig wagas? Ano naisip mo naba na magfile ng annulment papers sa Asawa mo para pwede na tayo?"
Napa-awang ang bibig ko sa kahanginan niya wow huh?! Parang siya na lang aba....Kahit gwapo siya hindi ko ipagpapalit ang Asawa ko noh!
"Ang kapal ng mukha mo huh!" bulalas ko habang hine-head to foot niya tumawa nanaman ito gawa para lumitaw ang sobrang lalim niyang dimple
"Oo kasing kapal at kasing tigas ng Abs ko, gusto mo makita o kaya mahawakan?"
Agad akong ngumiwi at umiling, "Thanks but No thanks, mas matigas yung sa Asawa ko." sagot ko at inirapan siya tumawa lang ito at tumabi sa side ko at dahil naiinis na ako dahil halos 30 minutes na akong naghihintay sa labas ng Airport.
Dinial ko ang number ng driver namin agad niya naman itong sinagot.
"Hello?! Asan kana ba kanina pa ako naghihintay dito."
[Maam pasensya na, butas ang dalawang gulong ng sasakyan at nandito pa ako sa pagawaan...Pasensya talaga maam..]
Kinalma ko ang sarili ko bago siya sagutin.
"Fine."
Napailing na lang ako, useless! Naghihintay ako sa wala sayang ang oras ko!
"Ano nainjan kana noh? Hahahahh!"
"Pwede ba manahimik ka?"
Agad tong umiling habang nakangiti, "Bawal eh..." napabuga na lang ako sa hangin at tinignan ang pitaka ko. Pwede naman akong sumakay sa Taxi yun nga lang paano ako magbabayad? Bat ba kasi wala akong Cash!
Tinignan ko siya at nakangisi ito mukhang nababasa niya ang isip ko,
"Pwede pautang?" diretsahan tanong ko napa-awang ang bibig nito
"Pwede naman kita ihatid ng li------
"Ayokong may kumalat na issue at dahil sa ginawa mo ngayon issue nato. Alam mo ang Siaverde Company right? Asawa ko ang may ari nun at marami siyang connection kaya kung ako sayo pautangin mo na lang ako. Don't worry babayaran din kita."
Sumeryoso ito at tinitigan ang mata ko, "Fine. Pero paano mo ako mababayaran?"
O-OO NGA NAMAN! Paano ko siya mababayaran!?
"Ah! pumunta kana lang sa Company bukas dadaan ako dun para ba-------
"Wag na, give me your number."
"At bakit?!"
"Ayokong ma-hassle! Isa akong gwapong busy na tao kaya pwede ba? Ilagay mo sa phone ko ang number mo. Dali! Wag kang magkakamaling ibang number ang ilagay mo dyan!"
Naiinis kong kinuha ang phone niya at nilagay dun ang number ko, nagulat ako ng mag-ring ito kaya napatingin ako sakaniya nakangisi ito.
"I like that, Honest." inirapan ko na lang siya at nilahad ang kamay ko, nakangisi ito binunot ang wallet niya at naglapag ng 1K
"Save my number Mrs.Siaverde? I'm Renz....Renz Kyuro, see you soon...." he said at kinindatan ako, napanganga naman ako dun. WTF?!
BINABASA MO ANG
She's The Famous Maldita Queen 2
Teen FictionKahit kasal na ako at pamilyado na ako, Wala pa ring sinuman ang makaka-pantay sa trono ko. I, Franshezcka Fritz Smith ang nag-iisang SIKAT NA REYNA NG KAMALDITAHAN. Na pinilit gayahin ng karamihan ngunit di kailan man mapapantayan! Mag-handa kayo...