Chapter 24

6K 179 21
                                    

~*~

"Fritz stop na....Halos niluha mo na lahat ng tubig sa katawan mo eh!" saway sakin ni Renz, nandito siya sa bahay namin ni Psyche. Nagtaka siguro kung bakit hindi ako pumasok sa Company kaya eto, umiiyak ako sa harap niya!


"Waaaaah!!! Kusa lang siyang tumutulo eh anong magagawa ko?!" halos hindi na maintindihan ang sinabi ko dahil sa pag-iyak ko at paghikbi ko


"Hayst, tinawagan ko na yung mga kaibigan mo on the way na daw sila dito...Please Fritz ayusin mo ang sarili mo hindi mo pa naman alam ang lahat ng kwento eh, alamin mo muna ang side ni Psyche."



Hinayaan niya lang ako ng umiyak dito sa sala hanggang sa dumating na sila Ata, Sun at ang mga insekto.


"Tangna anong ginawa sayo ng hayop mong Asawa?!" galit na bungad sakin ni Drake kaya mas lumakas ang hikbi ko, agad akong nilapitan ni Nate at inalo ako nito



"Stop crying Baby Koi..." bulong niya gawa para mapayakap ako sakaniya agad naman itong yumakap pabalik



"Damn! Mapapatay ko talaga yang si Psyche!" nanggagalaiting sigaw ni Jin




"Huminahon ka nga Jin! Hindi pa natin alam ang totoong nangyare?! Malay mo wala ding alam dito si Psyche?!" galit na sigaw ni Sun




"Pinaiyak niya si Fritz! Sige nga Sun?!" galit na sigaw ni Jin natameme naman si Sun



"Sun, wag mo ng patulan. Mainit ang ulo niya." bulong ni Nate sakaniya tumango na lang ito




Binalingan nila akong lahat, "Asan ang baby mo?"



Agad akong umiling, "Pinakuha ko muna kay Mommy...Kaninang umaga.."



Nakahinga naman sila ng maluwag, "Hayst...Buti naman, Fran. Hindi ba kayo naawa kay Hikira?! Ilang weeks na kayong magkaaway?!" bulalas ni Drake



Umiling na lang ako, napagod na akong umiyak...Pagod na pagod na.


"Tumawag naba sayo si Psyche? nagpaliwanag na?" Sapaw nito agad akong umiling




"Sinira ko ang cellphone ko."





Napafacepalm na lang silang lahat parang naiinis din sila sakin.




"WTF FRANSHEZCKA! FAMOUS MALDITA QUEEN KA TAS GUMAGANYAN KA DAHIL LANG KAY PSYCHE?!!! ASAN ANG KAMALDITAHAN MO?! HUH?! ANO PAPATALO KANA LANG SA MAGALING MONG ASAWA! UMAYOS KA FRAN! GUMISING KA SA KAHIBANGAN MO!"



Nagulat kami sa pagsigaw ni Atacha, gawa para matauhan ako. Tama nga naman siya, b-bakit ba ako umaarte dito?! Simple lang kasi Asawa Ako! P-Pero tama siya.. Kilala ako sa pagiging Famous Maldita Queen? a-asan na ang tapang ko?



B-Bakit ako papatalo sakaniya?! Edi kung pwede siya magloko pwede rin ako! P-Pero Damn it! Masyado na akong naging mabait, sobra-sobra na. Tama sila, pag nagiging mabait ka ng sobra inaabuso ka!




Itigil ko na dapat tong kahibangan ko...Dahil ako ang magmumukhang talo dito.




Diretso akong tumayo, nagulat sila sa ginawa ko.




"Asan ka pupunta?" tanong ni Jin




Agad akong ngumisi sakaniya kahit na medyo nasasaktan pa din ako sa nalaman at narinig ko. Pero tama si Ata, hindi ito ako! Hindi ito ang Franshezcka Fritz Smith na ako.



"I'll show them the hell."



-----
Short UD :P

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon