Chapter 29

7.3K 203 45
                                    

Waaaah! Natuwa po talaga ako sa side comments niyo sa last UD ko sorry po kung BITIN! Hahahahaha! Don't worry worth it naman ang paghihintay niyo dahil maganda po tong' inihanda kong Chapter sainyo! Dedicated to sa mga nagcomment! AlabyuuAll!!!! ^__^ :*


~*~

Matapos ang mapangahas na usapan namin ni Psyche sa Mansion nila sabay din kaming umuwi, walang imikan at nasa bisig niya lang si Hikira. Well pabor naman ako dun, bahala na siya...Nakakapagod mag-alaga sa totoo lang.


Nandito ako ngayon sa cr ng main house namin bale sa sala ito banda, mas pinili kong dito mag-cr dahil nasa kwarto ang walanghiya kong Asawa. Grabe siya, harap-harapan?! Nakailang ulit kaya sila ng malanding Pinky na yun!? Tsk! Mga baboy sila.


At dahil nabwisit ako ng tuluyan sa sobrang pag-iisip ko sakanila doon ng magkasama hanggang gabi, parang umakyat lahat ng dugo sa sistema ko at hindi ko iyon matanggap kaya ito lahat nasusungitan ko!


"Maam nadiligan ko na po yung halaman..Nalinis ko na din yung swimming pool, ano na pong gagawin ko?" tanong ng kasambahay namin, automatic na tumaas ang kilay ko sa ere



"Aba?! Hindi kita binabayaran para magtanong ng gagawin mo! Ano isusubo ko pa sayo isa-isa ang dapat mong gawin?! Aba maglinis ka sa buong bahay kung ayaw mong sisantihin kita!" sigaw ko nataranta naman itong kumilos


Huminga ako ng malalim at napahawak sa sentido ko. Darn it! Masyado na akong mabait inaabuso na nila ako ng sobra-sobra! Ayoko na suko na ako!! Babalik na ako sa dating ako!



Padabog na umakyat ako sa itaas ng kwarto namin, at aba! naabutan ko ang Asawa kong kaharap ang laptop niya, naka earphone ito at nakangisi.



"Oo ikaw maayos kabang naka-uwi? Talaga....Good to hear that, ah! Yes...Tulog na si Hikira, wanna visit her? Yes...Of course, ano kaba hahaha parang hindi to iba sakin oh.."


Kumunot ng sobra ang noo ko at agad na pumunta sa likod niya para makita kung sino ang kausap niya at halos makapagmura ako ng makita ko ang Pinky na yun! Nakatube si gaga at halos maghubad na sa harap ni Psyche!




"Ah? What.....Ah! Oo nandito siya, oh.........Yes, hahahahah! Napaka mapagbiro mo talaga Pinky kaya kita nagustuhan eh---------WHAT THE F'CK IS YOUR PROBLEM FRANSHEZCKA!!!!"



Hindi ko pinansin ang nakakabinging sigaw ni Psyche, seryoso lang akong inaapak-apakan ang laptop niya hanggang sa mabasag ito ng tuluyan pero hindi ako tumigil at tinuloy ang pagsira sa laptop niya. He deserve this!



"DAMN IT FRANSHEZCKA!!!" sigaw ni Psyche at marahas na hinila ako gawa para mapa upo ako sa kama namin, agad siyang lumapit sa laptop niyang sirang-sira na dahil sa pag-apak, pag-tadyak na ginawa ko.




"ANONG MASAMANG ESPIRITO ANG PUMASOK SAYO PARA MAGAWA MO TO?!!!!! BAGONG BILI KO PA LANG NITO FRANSHEZCKA DAMN IT!!!!!"



Naiinis ko siyang tingnan hindi ko alam pero bigla na lang nagtubig ang mata ko at dire-diretsong umagos ang luha ko. Lumabo na din ang paningin ko dahil sa luha, palakas ng palakas ang hikbi ko at halata sa mukha ni Psyche na nagbago ito.


Marahan itong lumapit sakin pero agad akong lumayo sakaniya, namutla naman ito sa ginawa ko.



"BAT MO KAUSAP YUNG MALANDING YUN?!!! HUH?! ANO MAY PLANO KAYONG MAGKITA AT MAGJUGJUGAN?! ANO UMAMIN KA NGA PSYCHE?! GUSTO MO NABA SIYA KASI MAGALING SIYA?!!!? MAS MAGALING BA SIYA SAKIN HUH PSYCHE?!!!!"



Agad na umiling ito, namumutla pa din siya at mukhang natataranta na ito sa nangyayare sakin.



"ANO INARAW-ARAW NIYO BA?! 1 WEEK BA KAYONG NAG-ANO?! KASI ANG ALAM KO MAGKASAMA KAYO SA IISANG KWARTO PLUS KAYO NA LANG ANG NAIWAN?!! PANO BA YAN?! HUH?! ANO!!! NABUNTIS MO BA SIYA?!!! SUMAGOT KA PSYCHE!!!!" galit na galit na sigaw ko, tuloy-tuloy lang siya sa pag-iling. Habang ako nanginginig na sa galit.



"DAMN YOU ANG BABOY MO! ANG BABOY NIYONG DALAWA NGI HINDI KA MAKUNTENTO SAKIN?! SA KATAWAN KO?! BAKIT TIGANG NA TIGANG KANA BA PSYCHE?! PINAGBIBIGYAN NAMAN KITA AH?!!! ANONG KULANG?! ANO MASARAP BA SIYA KASI POKPOK SIYA?! KASI SIYA ANG GUMAGALAW AT IKAW LANG ANG PASARAP ANO---------



"Watch your mouth Smith----


"BAKIT PSYCHE?!!! KAKAMPIHAN MO ANG KABIT MO SUMAGOT KA?! TANG*NA!!!"



Sinabunutan niya ang buhok niya namumula na ito sa inis? galit?! wala akong pake! Ako ang dapat manggalaiti dito! Hindi siya!


"AYOKO NG GANYANG BUNGANGA SMITH! MASYADONG MADUMI!!!"


Halos humagalpak ako ng sarcastic sa sinabi niya, dinuro ko ito at sinamaan ng titig.

"Sinong mas baboy sating dalawa, ikaw na pumatol sa malanding tulad niya o ako na nananahimik lang dito at naghihintay sa pagdating mo?" seryosong saad ko, ngumisi ito ng sobrang lapad




"Talaga...Eh ano yung narinig ko na may kasayawan ka sa Bar! At mukhang close na close kayo ng...Partner mo 'daw' sa new project ng kompanya?"


Agad kumunot ang noo ko, si Renz ba ang tinutukoy niya?


"Ano nagu-guilty ka?" ngising sambit niya


"Bat ako magu-guilty? May ginawa ba akong masama at karumaldumal? Ikaw nga dapat ang ma guilty sating dalawa eh kasi ikaw tong kumati!"


Agad namang bumalik ang iritasyon sa mukha niya.


"WALANG NANGYARE SAMIN NI PINKY! TANG*NA ANONG AKALA MO SAKIN GANUN KA GAGO PARA KUMAGAT AGAD SAKANIYA?! SA LOOB NG 2 WEEKS SMITH HALOS IKAW ANG NASA UTAK KO! KUNG SINO ANG NYETANG LALAKING LAGI MONG KASAMA!! KUNG ANONG GINAGAWA MO! LALO NA'T NALAMAN KONG PINAPASOK MO YUN DITO SA BAHAY?!!! HALOS MASUNTOK KO SI PINKY SA GALIT ALAM MO BA YUN?! TAS AAKUSAHAN MO AKO NG AKO ANG KUMATI DITO?! NAGSW-SWEET SWEET-AN LANG AKO SAKANIYA KANINA PARA MAGSELOS KA! PARA MALAMAN MO ANG NAFE-FEEL KO SA DAVAO SA ORAS NA MAY NASASAGAP AKONG NEWS SAYO!!!"



Lalag panga akong napatitig sakaniya. W-what the h-hell?! Tama ba ang narinig ko?!



"I F*CKIN' LOVE YOU SMITH TO THE POINT NA HINDI NITO KAYANG TUMIGAS PARA SA IBA! F*CK RIGHT?!"


Nakangisi pero halatang iritang-irita siya, at ako? Halos mamula ako ng sobra dahil sa sinabi niya. Namo Psyche! Magkaaway tayo nakuha mo pang bumanat?! T-Teka banat ba yun?! Mukha kasing seryoso..

She's The Famous Maldita Queen 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon