May nakiusap kasi na reader sa comments na mag-UD ako kasi malapit na ang pasukan at hindi na siya makakapag-basa. :( So eto oh... Para sayo tong Chapter nato enjoy! <3
~*~
Matapos akong tanungin ni Psyche todo iling ako at todo hindi sa tanong niya syempre hindi naman ganun ka bobito si Psyche para hindi niya mapansin diba lalo na sa mga pagkain na kinakain ko, i'm weird.
Lagi niya akong binibigyan ng mapanuring mata na parang hindi naniniwala sa sagot ko. Kaya itinago ko talaga ang tatlong PT sa gamit ko, not now. This is not the right time, kaya mas naging maingat ako lalo na pag naduduwal ako dahil sa morning sickness sa pagbubuntis.
At ngayon didiretso ako sa OB ko kay Hikira, magle-leave muna ako sa Company na hinahandle ko hindi naman hassle at wala naman akong meetings na mabibigat. Kaya eto nagkakaroon na naman ako ng kasalanan kay Psyche.
Maaga siyang umalis kasama si Hikira, well..Magandang nandun si Hikira para walang lumandi sakaniya saka para hindi magtanong si Hikira sa pupuntahan namin. Syempre hindi ko siya pwedeng papuntahin sa Mansion dahil wala dun si Mom at Dad dahil nasa Business Trip while sila kuya Busy rin sakanilang trabaho. Yes, our family is pretty busy right?
"Manang, gawan niyo po ako ng boiled egg then lagyan niyo ng lettuce saka, hmm....Honey! Gawin niyong sabaw." nakangiting sabi ko kay Manang kumunot ang noo nito sa hinihingi ko.
"Po maam? Edi antamis naman nun saka.....Sure ka maam?"
Ngumusi ako at tinaasan siya ng kilay. "Gawan niyo na lang ako manang kailangan ready na yun pag-uwi ko, alis lang ako saglit sige.."
Hindi ko na siya hinintay umoo at nagmartsa na ako paalis sa bahay, agad kong pinatakbo ang sasakyan ko at malapad ang ngisi habang tinatahak ang daan papunta sa OB. Gosh! Ano kayang itsura ni Psyche pagmalaman niyang juntis ako? Nakuuu....
"Ano kayang magandang pangalan? Hmm...Pag babae, ano..Fritzania! Yes! Nice name...Eh paglalaki?"
Agad akong napa-isip, Fritzania? Hmm.....Bagay yun sa babae, pero paglalaki? O geez! ang hirap naman!
Napailing na lang ako habang natanaw ko na ang Hospital, madalian ko itong pinark at agad na lumabas sa sasakyan. Agaw pansin pa ako sa mga tao, well...Ano pa bang mapapala ko? maganda eh.. Plus Dyosa...Hindi napaghahalataan na may anak na at buntis pa tsk...
"Oh! Mrs.Siaverde, glad you're here! anong maiitulong ko?" salubong ng sarili kong Doctora. Matamis na ngiti ang binigay ko sakaniya.
"Gusto kong magpa-check up maam, kasi last last last day..Napansin kong iba na ang kilos at feeling ko, lalo na sa pagkain. Kaya bumili ako ng tatlong PT at nagtry, at...Dalawang guhit."
Malapad na ngisi ang binigay nito sakin at umiling-iling.
"Mukhang nakabuo nga si Mr.Siaverde naku, o sige...Eto magpalit ka muna doon then titignan natin, by the way ilang weeks mo na yan napansin?"
"Hmm...Mga, 3 weeks from now na po doctora."
Tumango-tango naman ito agad kong tinahak ang palitan ng damit ewan anong tawag dun basta naka Hospital dress ako ngayon at pinahiga niya na ako sa medyo single bed na hindi naman ganun kalambot. May tinapat siya sa tyan ko tulad din yun noon nung nagpacheck up ko kay Hikira 2 months pa siya.
Napatingin ako sa screen, hindi ko talaga ma gets...May puti dun then ang rest itim na, napakunot ako ng noo bat andaming puti?
"Oh my god.." bulalas ni Doctora kinabahan naman ako sa reaksyon niya
"B-Bakit po doctora??"
"Hindi ko pa makita kung anong gender ng baby mo but......Sa nakikita ko dito, mukhang..Tatlo ang baby mo."
Nanlaki ang mata ko pati ang bibig ko. WTF?! ANO AKO BABOY?!
"A-Ano?! pwede ba yan?!" gulantang sigaw ko natawa naman si Doctora
"Yes normal to, pang 11 na kitang pasyente na naka encounter ng ganito. Triplets ang tawag dito, kaya asahan mong sobrang laki ng tyan mo."
"O-Oh god mamamatay ba ako niyan?!!"
Natawa nanaman ito, "Don't worry..Nanganak ka naman kay Hikira right sa first baby mo? So walang problema, minsan kasi pag pangalawang anakan na madali na lang."
"I-Ilang weeks na sila Doctora?"
"1month from now Mrs.Siaverde, congratulation you have a 3 fetus in your womb."
Nanghina ang tuhod ko habang dina-digest ng utak ko ang sinabi ng OB ko. Oh God? 3 fetus. Walanghiya ka Psyche! last na to! hindi na ako mag-aanak! magpapatali na ako!
BINABASA MO ANG
She's The Famous Maldita Queen 2
Teen FictionKahit kasal na ako at pamilyado na ako, Wala pa ring sinuman ang makaka-pantay sa trono ko. I, Franshezcka Fritz Smith ang nag-iisang SIKAT NA REYNA NG KAMALDITAHAN. Na pinilit gayahin ng karamihan ngunit di kailan man mapapantayan! Mag-handa kayo...