KM's POV
"Yaaaaaaaawn!"
Naudlot naman bigla ang pag-iinat ko dahil sa pagtusok ng lalakit ito sa tagiliran ko.
"Ano ba!"
"Anong ano ba? Tigilan mo nga ang kakahikab mo!"
Aish! Pati ba naman paghikab ko pinapansin pa nito!
Lahat na lang ba kailangan nakikita mo!
Hello Dune! Lubayan mo naman muna ako at inaantok talaga ako!
"Pake mo ba ha? Sa inaantok ang tao eh. Anong gusto mo pigilan ko?"
"Bakit ba kasi nagpuyat ka?"
Eh? Siya din naman nagpuyat ah! Kitang kita ko nga siya kagabi eh nagpa-piano pa. Pero ang magaling na lintek mukhang hindi kilala ang eye bags.
Hindi man lang nagkaron eh. Samantalang puyat din naman siya.
"Bakit ikaw, hindi ka ba napuyat?"
"H-ha? Bakit ako mapupuyat? Maaga ako natulog ano."
PSH! Sinungaling! Pero bakit kailangan pang itanggi? Secret lang ba ang pag pa-piano niya?
Aish! Pake ko ba?
"Whatever. Oh ito okay na ito!"
Inabot ko sa kaniya ang mga kahoy na nakuha ko.
Kasi ang mokong sinapian! Biruin niyo nakakita lang ng puno at malawak na space sa likuran ng bahay nila pinakuha agad sa akin ang gamit sa budega.
Gagawa daw siya ng tree house!
Edi siya na talaga! Lahat na lang alam niya eh ano!
"Ilagay mo dun. Tapos kumuha ka ng juice sa loob at brownies. Dalian mo ah. Gutom na ako!"
"Oo na. Bossy!"
"Anong sabi mo?"
Tanong niya ulit sa akin. Ito talaga bingi!
"Wala sabi ko pupunta na ako! Kalerkii ito!"
At ayun na nga nag punta na ako sa kusina para kuhanin ang brownies ng señorito.
Nagtimpla na ako ng juice at inilabas ang platito. Nagsasalin na din ako ng brownies ng maramdaman ko na naman ang antok ko.
"Yaaaaaaaawwwwnn!"
Kahit na may banda ako, ay hindi naman kami inaabot ng alsdos. Kung aabutin man eh patutulugin muna ako nung dalawa at gigisingin na lang pag malapit na kami.