KM's POV
Hinatid ako ni Roy hanggang sa tapat ng bahay nina Dune. Ginabi na nga ako kasi napasarap ang kwentuhan namin.
Hindi nga ako nagkamali, mabait nga si Roy at masayahin. Sadyang hindi lang umayon sa kaniya ang pagkakataon at dinapuan siya ng sakit. Curable naman ang leukemia diba?
Kasi kung mawawala siya sadyang nakakapanghinayang. Kasi kung sino pa ang mabubuting tao siya pa ang nagkakasakit ang ang mga malalakas naman siya pa ang nananakit.
"KM sorry ah kasi ginabi ka na."
Umiling naman agad ako para nawala ang pag-aalala niya.
Ano ba kasi ang inaalala niya. Ligtas naman ako eh.
"Ano ka ba! Okay lang 'yun. Minsa--"
"KM!"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil heto na naman siya. Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko pero sa nakakatakot na naman na tono.
Haaaay! Bakit ba kailangan niyang maging mean sa akin?
"Dune."
Tawag ko dito. Lumapit naman siya sa kinaroroonan namin. Straight face pa din siya. Di ko tuloy malaman kung anong iniisip niya.
Pero pusta ako galit na naman siya. Kasi sinuway ko na naman siya at lumabas ng walang paalam.
"Saan ka galing? Di ka nagpaalam. Maski kay Manang."
"Ano kasi... Lumabas lang kami ni Roy diyan lang naglakad lakad. Kaya lang inabot na kasi kami ng gabi."
Hindi siya sumagot. Hindi naman kasi ako nagtatanong. Pero wala siyang sinabi. Nakatingin lang siya kay Roy. Si Roy naman mukhang natatakot ata. Haaay, ito naman kasing si Dune kung makatingin akala mo palagi gusto ng gulo.
"Pumasok ka na sa loob gabi na. At ikaw, makamaalis ka na."
Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ang mean niya talaga. Aangal pa sana ako kaya lang ako naman ang sinamaan niya ng tingin.
"Ano pang ginagawa mo diyan? I said get inside!"
Ngumuso ako sa kaniya at saka tumingin kay Roy. Nag-aalala lang kasi ako. May sakit si Roy mamaya baka apihin nito.
"Sige pasok ka na KM. Aalis na din ako gabi na eh."
Kahit ayoko pa ay pumasok na ako. Ayoko naman na pagbuntungan ako ng Dune na ito.
Nagmartsa akong naglakad papasok. Nakakainis kasi. Para naman ako bata na bawal magpagabi at ang sungit pa niya. Naglakad lang naman kami ni Roy. Bakit ba kailangan niya laging maging mean?