Chapter 10: Picnic-nic-nic-nic-nic-nic

2 0 0
                                    

KM's POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Inaantok pa kasi ako gawa ng kagabi. Sana pala hindi na lang ako nag-ayang magstar gazing EDI sana hindi ako na puyat.

Pero kung pagninilayin man, worth it naman siya kasi napasaya ko siya. At kahit paano ay napangiti ko siya dahil sa isang bagay na mahal niya.

Pagkatapos kong maghilamos at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para sa umagahan.

Pagbaba ko si Manang agad ang hinanap ng mata ko dahil si Manang at ako lang naman talaga ang naghahanda ng umagahan madalas.

Pero hindi si Manang ang naabutan ko. Isang lalaki na may sanreo sa buhok na naka apron habang nagluluto sa may kalan.

Naramdaman niya ata ang presensya ko kaya na.an napaharap siya sa kinaroroonan ko.

"Turtle Panda you're awake."

Tatango tango naman ako lumapit sa may kinaroroonan niya dahil nakakaamoy ako ng piniritong saging.

"Ang bango naman niyan. May luto na?"

Iginala ko ang mata ko sa buong kusina at bago pa man maituro ni Dune ang lutong saging ay natukoy ko na kaya agad kong kinuha ang plato at itinabi na sa upuan ko.

"Akin na ito ha?"

Ngisi lang naman ang isinukli ni Dune na siyang nakapagpagising ng diwa ko sa kung anong nangyari kagabi.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Roller coaster ko nga siya di ba? Baka isa na naman kasi 'yung sinabi niya sa mga Up and Down na moods niya.

Staying here with him feels great. Pero what if sa mga sumunod na araw? Ayoko naman na tumanda agad sa kakaisip kung ano na naman ang sunod na ugali niya. Madalas mabait siya pero mean pa din talaga siya.

Maybe, kailangan niyang patunayan na he's worth staying with.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng saging ng mapansin kong ang daming handa sa lamesa. Nag-isip tuloy ako ng dahilan kung bakit parang pyesta.

"Dune. Dadating ba sina Roy?"

Huminto siya sa pagluluto at saka tumingin sa akin ng may lazer beam na naman sa mata. Huhu. Kawawa naman ako. Sabi na eh kakawawain lang ako nito.

"Why do you ask?"

Napalunok muna ako bago sumagot.

"E-Eh kasi, ang daming pagkain. B-Baka lang kako may inintay kang bisita."

Pahina kong sabi. Huhu bakit kasi ansama pa din ng tingin nito? T.T

"Kapag ba sinabi kong may bisita sila agad ang ibig kong sabihin para sa'yo?"

"H-Hindi naman sa ganon. P-Pero kasi, s-sila lang ang k-kilala ko."

Nanahimik na naman siya at sa tuwing mananahimik siya ay palagi na lang akong kinakabahan.

Paano na lang kung biglang nawala sa hulog si Dune at ikansela ang paliligo namin sa falls? Nako! Mababaliw ako!

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon