Von Dune's POV
What KM said last night hit me really hard. Ewan ko basta sa paraan ng pananalita niya nakuha niya talaga ako
Kasi para siya si Roy. Para alam na alam niya ang nararamdaman ni Roy.
Ganun na ba talaga sila ka-close kahit dalawang beses pa lang silang nagkikita?
"Argggh!"
Nasabunutan ko naman ang sarili ko. This is bad. I'm here to say my sorry and to clear things up between the three of us and yet I'm starting to punch Roy in my mind.
Ano ba ang problema ko. Eh ano kung close sila? Mas close naman kami! 24/7 ko siyang kasama lamang pa din ako.
"Argh!"
Muli kong nasabunutan sarili ko. What's wrong with me ba?
Natigilan naman ang pag-iisip ko ng may magsalita sa likod ko.
"Why so frustrated?"
"Mariel."
Agad naman siyang umupo sa kaharap kong upuan.
Nandito ako sa bahay nila para nakausap sila. Dahil na din sa suhestyon ni Turtle panda.
"What brings you here? Di ba you hate us? Pinakulong ka namin."
"Mariel! "
Suway ko sa kaniya. Hindi ako na punta dito para sa sumbatan o anuman. I want a closure.
"Where's Roy?"
At sakto naman na bumaba si Roy mula sa taas.
"Von."
Hindi makapaniwala niyang sabi. Maski ako hindi din makapaniwala na mapupunta ako dito. Kung hindi lang dahil kay Turtle Panda.
"Hindi ako magpapaligoy-ligoy pa." Panimula ko.
"I want a closure."
KM's POV
Maaga akong nagising ngayon kasi nga di ba ngayon na ang closure nina Dune. Kaya lang kahit gaano ako kaaga nagising ay wala pa din. Hindi ko pa din siya naabutan kaya naman ginawa ko na lang ang promise ko para naman makaligo na kami sa falls. At iyon ay ang mag-laba.
Maalam naman ako kasi mag-isa lang ako na naninirahan kaya ako na ang gumagawa.
Chicken nga lang itong paglalaba sa akin eh at saka madami na akong natutunan dito sa farm ni Dune kaya naman di ko uurungan ang paglalaba.
Pumasok na ako sa kwarto ni Dune para kunin ang tubal niya at ganun pa din naman ang room niya malinis as expected. Aba saan ka ba nakakita ng hot bachelor na burara?
Kinuha ko na ang tubal niya ng may malaglag na isang papel. Mukhang nakasingit sa mga shorts niya.
Dinampot ko ito at binasa. Madaming churvaloo at eklaboo na nakalagay. Pero kapag pina-iksi isa lang namang I invitation sa opening ng isa sa mga bar dito.
Mukhang invited ang mokong. Siguro dahil sa isa din siya bar owner kaya ganun. Inilagay ko naman siya sa gilid nung mga DVD at umalis na. Madami pa akong lalabahan.