KM's POV
"Hi."
Tumingin ako sa lalaking nagsalita na nakatayo sa harapan ko.
Matangkad siya malinis tingnan mukha namang di gagawa ng masama.
"Bakit?"
"Pwede makishare?"
Tumango naman ako. Di naman akin ang lamesang ito para ipagdamot ko. Itinuloy ko na lang ang pagbabasa ko para sa mga assignment ko para naman makapagpiano pa ako.
Makalipas ang kinse minuto hindi na akong nagdalawang isip pa at ibinaba ko na ang librong binabasa ko at doon ko tiningnan ang lalaking nakaupo sa harapan ko.
Nagulat siya sa ginawa ko pero mas nagulat ako ng makitang tama nga ang hinala ko at kanina pa niya ako tinitingnan.
Ayoko na sana pansinin kasi baka mali ako. ASA naman na tingnan ako nito lalo pa at may hitsura. Ano naman mapapala niya sa kagaya ko? Plain and boring.
"Iniisnis mo ba ako?"
Agad naman siyang umiling which I find cute. Pero hindi ko na lang pinahalata na na-cute-an ako.
"Naku hindi nagkakamali ka."
"Kung ganun bakit kanina ka pa nakatingin diyan? Di mo ba nakikita ng nag-aaral ako? Nakakadistact ka."
Aba! Sino ba naman ang di madidistract kung may isang tao na gwapo na hindi mo naman kakilala ang titingin sa'yo. Ay hindi pala basta tingin. Titig!