Chapter 7: Dune, Roy, and Mariel

1 0 0
                                    

KM's POV

Dahil nga sa nalaman kong background ni Dune na dati niyang kaibigan ang kambal ay nabother na ako.

Kasi paano? Addict din ba si Dune nung kasagsagan ng teen niya?

Pero hindi din kasi malayo kasi may pagkamasamang ugali din itong si Dune eh.

Kaya ngayon pananghalian ay naiisipan kong tulungan si Manang magluto ng sinigang.

Ako ang naggagayat ng gulay habang inaayos ni Manang ang kaniyang niluluto.

Ngayon ko tatanungin si Manang ng tungkol kina Roy, Mariel at Dune.

Naku-curious kasi ako. Saka wala naman si Dune eh may pinuntahan kaya ayos lang na pagtsismisan namin siya ni Manang.

"So Manang. Anong connection nina Roy, Mariel at Dune sa isa't isa?"

Humarap sa akin si Manang at pinagisipan kung sasagutin ba ang tanong ko.

Si Manang naman kami kami na nga lang ang tao maglilihim pa.

"Bakit mo naman natanong ang tatlong batang iyon?"

Bakit nga ba? Dahil curious ako sa nakaraan?

Well, pwede pero kasi hindi na ako pinatutulog ng curiosity ko eh.

"Wala lang Manang. Natanong ko lang, na meet ko na kasi sina Mariel at Roy. Gusto ko lang malaman ang connection nila sa isa't isa."

Naupo si Manang sa katapat kong upuan. Mukhang magkwekwento na siya.

Ako naman ay nagpatuloy sa pagpuputol ng sitaw.

"Ganito kasi 'yan. 'Yang si Von, tuwing bakasyon nandito palagi sa farm nung siya ay bata palang at hanggang mag college. At masasabi na parang kababata na din niya ang kambal na iyon."

Ah kaya pala ang lakas ng loob ni Mariel na ganun kausapin si Dune. Akala ko dahil high siya, 'yun pala may pinagsamahan.

"Kaya lang aring si Mariel nagrebelde sa magulang. Napunta ba sa maling barkada. At si Roy naman ay na-diagnose na may sakit. At leukemia pa."

Napatakip naman ako ng bibig ko. As in leukemia? Seryoso? Parang ang lakas lakas naman ni Roy ah. Hindi halatang may sakit siya.

"At dahil nga close itong si Von kay Roy at Mariel kahit papaano ay napakiusapan na bantayan ni Von ang magkambal. Si Roy na may sakit at si Mariel na napapariwara."

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon