Chapter 6: Knight in shining armor

2 0 0
                                    

KM's POV

Gaya nga ng sinabi ni Roy ay dinala niya nga ako sa ilog kasama ng pamilya niya pero nandun kami nakahiwalay ng mga ka same age namin sa isa sa mga cottage dito sa may tabing ilog.

Mababait naman sila, may mga babae at may mga lalaki din.

Kaya lang parang ayoko sa barkada nila.

Ang wild ng mga lalaki malayo sa mga lalaki na kilala ko.

May mga pakete din ng yosi silang dala at nag labas na din sila ng ilang bote ng red horse.

Ang mga babae nag-yoyosi din at ang tingin ko napaka wild nila. 'Yung kulay ng buhok nila at kung gaano kaiksi ang short na suot nila. Parang panty na sa kaiksian.

Kahit naman na rakista ako ay hindi naman kami wild ng mga kabanda ko.

Kapag kasi narinig mo ang salitang rakista iisipin mo na rebelde sila dahil sa tattoo nila at sa attitude na pinapakita nila sa stage.

Pero sa toroong buhay hindi naman, nagpapa-tattoo sila hindi dahil sa nagrerebelde sila. May tattoo sa dahil gusto nila. Minsan may mga ibigsabihin iyon na personal sa kanila.

At kaya naman ganoon ang attitude na ay dahil dapat talaga ganun sila.

Ang mga rakista at ang pagiging rakista ay kinakalangan ng lakas at tibay ng loob.

Hindi pwede dun ang pabebe dahil malakas ang ingay na nililikha ng musika niyo.

May nakita na ba kayo na rakrakan ang tinutugtog pero nakastay lang sa stage at hindi gumagalaw di ba wala?

Kaya ako kahit rakista ako hindi naman ako ganiyan ka wild sa kanila.

"Hey, KM. Bakit ang tahimik mo diyan?"

Ayoko kasi sa mga pinsan mo.

Sana pwede kong sabihin 'yan sa kaniya. Kaya lang ayoko naman na mabastos siya kasi nakisabit na nga lang ako hindi ba.

"Ah ano kas--"

Hindi ko na natapos ang saaabihin ko ng bigla na lang maghalikan ang dalawang tao sa harapan ko.

Actually hindi lang ito basta halikan almost making out na at sa ganito pa ka public na lugar.

Napaka liberated naman ng mga ito. I think mga nasa 22 o 24 lang sila pero nag-gaganiyanan na sila.

Di na nahiya.

"Ah, pasensya ka na ah."

Sabi ni Roy sabay lapit dun sa dalawa na naghahalikan at hinampas 'yung lalaki.

"Go get a room guys. May bisita ako."

Tapos tumigil na 'yung dalawa at tumingin silang lahat sa akin na ikinahiya ko naman.

Hindi naman ako plastik kaya hindi ko sila ngingitian na para bang okay lang sa akin ang ginagawa nila kasi sa totoo lang, hindi talaga okay.

"KM right?"

Tumango ako. Inirapan ako nung babaeng nagtanong bago humithit ng sigarilyo. Bitch!

"Mariel! Wag mo naman supladahan ang bisita ko."

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon