chaptrr 4: let's get wet

3 0 0
                                    

KM's POV

Its been a week mula ng mapunta kami dito sa farm ng pamilya ni Dune. At its been also a week mula ng maging slave niya ako.

At in fairness lang ha! Nasasanay na ako sa kauutos ng Master ko kuno.

Kasi sa loob ng isang linggo, palagi niyang pinalilinis ang mga kulungan ng hayop.

Minsan nagpakain kami ng baka. Tapos tinuruan din ako nung mga tauhan dito kung paano mag-gatas.

Tapos kahapon, ako 'yung pinakuha niya ng mga itlog nung mga manok dun sa manukan dito.

At talagang nag-eenjoy ako sa mga inuutos ng mokong na ito.

Hindi naman ganun kahirap eh. Oo mga new experience ito pero ang sarap pa lang makadiskubre ng bagong kakayahan at mapaglilibangan.

Kasi hindi ko talaga inisip na mag-aalaga ako ng hayop.

Ang naiisip ko lang na gagawin ko sa buong bahay ko ay kumanta kasama ang banda. Magmukmuk pag walang ginagawa, umiyak kapag nalulungkot at tumawa kung sasaya.

Never kong naisip na mapupunta ako sa farm at mag-aalaga ng hayop at lilinisin ang kulungan ng mga ito.

Mukhang expect the unexpected talaga.

"Why so serious my turtle panda?"

Pffft. Muntik na ako matawa sa sinabi niya. Kasi palagi niya akong tinatawag na my turtle panda. Kaniya lang daw ako, siya lang daw dapat ang master ko.

At sa loob ng nakalipas na isang linggo, nalaman ko na hindi naman pala ganoon ka-mean itong si Dune.

Although hindi mawawala ang pang bwibwisit niya at pagbibigay ng crazy nicknames sa akin ay napapansin ko naman na nagke-care siya sa akin kahit papaano.

Kagaya na lang nung nag-gatas ako sa baka. Kahit na hindi siya ang nagturo sa akin, todo support pa din siya sa akin.

Tsinistir pa ako ng mokong. Tapos nalaman ko di pala siya marunong nun. Nadidiri daw siya sa way ng paggagatas.

Natawa naman ako sa reason niya. Di ba dapat expert ang lalaki sa ganun?

Okay bago pa mpaunta sa kung saan ang usapan ay tama na sa pag-gagatas.

"Anong iniisip mo?"

"Ikaw."

"Ako?"

"Oo ikaw."

Nakangiti kong sagot habang nakatingin sa labas. Nakapwesto kasi ako sa may bintana at tiningnan ang paligid ng biglang lumapit sa akin si dune at magta--- teka. Si Dune?

Dali daling nawala ang ngiti sa labi ko at dahan dahan lumingon sa katabi ko.

Nakatingin din siya sa labas tapos nakangiti. Nakangiti na naman siya ng maloko. Na para bang nahuli niya ako.

"I---I mean, you and your cruelty. You know the embarrassing nicknames. 'Yu---yung mga inuutos mo. L--lahat 'yun."

Cross finger kong pinanalangin na sana kumagat siya sa sinabi ko na sa totoo lang ay imposibleng mangyari. Sa talino at husay din nito. Hindi ito papauto.

"Alam mo ba ang kasabihan na. The longer the explanation, the deeper the secret."

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon