Chapter 2: Fucking Slave!

2 0 0
                                    

KM's POV

["Sorry the number you have dia----]

Pow shit naman na ito oh- oh! Bakit nakapatay ang cellphone mo Peach! Anak ng mahabaging tipaklong naman oh-oh!

Kung kailangan kailangan ang ipis na iyon tsaka naman patay ang cellphone. Saan naman kayang lupalop ng mundong ibabaw naroroon ang ipis dagat na iyon?

Si Dave naman hindi ko matawagan dahil na sa 'alone time' niya siya. Sabi niya wag daw siyang iistorbohin.

Eh ako naman kahit emergency na eh natatakot pa din akong abalahin siya. Kasi nakakatakot talaga 'yung si David na iyon kapag naaabala sa 'alone time' niya.

At ayoko naman na sa akin niya ibuntong ang galit niya ano!

Kasi naman desperada na ako, kasi I need a bigger amount of money to pay that jerk.

Ang laki kasi ng sinisingil niya eh at hindi ko 'yun kaya. Hindi naman ako pinanganak ng mayaman na at pinaghihirapan ng magulang ko ang ginagasta ko. At ngayon na nagpapaka-independent ako. Hindi naman ata tama na kapag nakagawa ako ng kabulastugan ay tatakbo ako sa magulang ko.

May pera at ipon naman ako na nakuha ko sa mga gig ng banda namin nina Peach at Dave. Oo, may banda ako at hindi man halata eh bokalista ako nun.

Pero saka na ang tsika sa aking banda dahil ang problema ko dito ay ang ipon kong hindi man lang umabot sa kalahati ng sinisingil niya.

Bakit ang mahal? Kasi daw ang mamahal ng alak na binasag ko pati daw baso. Biruin mo! Pati baso kasama! Ano ba ang baso niya, crystal?

"Oh? Ano na ang nangyari sa pagtawag mo sa sinasabi mong 'contact' mo?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. Asar eh! Sitting pretty dun sa upuan habang ako at pinapanood na na-fru-frustrate na dahil wala na ang 'contact' ko.

Wala naman kasi talagang laman na contact ang phone ko kasi saulo ko ang number nila. At natawagan ko na silang lahat at wala akong napala.

"Will you please shut up? Wag mo nga pati akong tingnan ng ganiyan na para bang wala na akong mahahanap na paraan."

Kasi naman kung makatingin, hindi mo malaman kung grin ba o nagbabanta.

Gwapo pa naman siya. Kaya lang ang mean ng utak. Feeling ko sa kung paano niya ako tingnan eh bumubuo na siya ng mga plano sa kung papaano niya ako papahirapan sa loob ng isang buwan para mabayaran ang utang ko.

Lalo pa at mukhang mangyayari na nga ang slave churva na iyan kasi hindi naman sinasagot ni Peach ang phone niya.

"Che! Isang buwan lang naman diba?"

At ayun nagsimula ng mag-stretch ang kaniyang mga labi at napunta sa ngiti.

Ngiti na sana at hindi ko na lang nakita. Nakaka-kaba ang ngiti niya pero sa kabilang banda nakaka-mangha. Ang gwapo niya sa tuwing ngumingiti siya.

"Oo one month lang, pero mukhang sakto na naman iyon para pagbayaran ang utang mo."

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon