KM's POV
Nandito ako sa CR ng room na binigay nila sa akin. Iniintay ko kasi ang tampon na pinabili ko kay Dune.
Wala si Manang na pwedeng bumili at wala na din ang mga tao niya. Hindi kasi stay in si Manang at nakakahiya naman kung aabalahin ko pa si Manang paraang sa tampon ko.
Kaya naman si Dune ang pinabili ko. Nung una ay ayaw talaga niya at nainis na siya pero syempre wala na naman kaming ibang magagawa. Kundi dapat ibili niya ako kung hindi ay magkakalat ako.
Wala naman kasi akong dalang tampon eh. Nawala na kasi sa isip ko na hindi pa ako nagkakaroon para sa buwan na ito.
Mag-iisang oras na ako dito sa CR at wala pa din si Dune. Hindi pa din siya bumabalik.
Medyo malayo ang bilihan dito dahil padulo pa ang mansyon nina Dune.
Pero dapat nakabalik na siya by this time. Kaya lang wala pa din siya eh.
Bibili lang naman ng tampon ang tagal tagal pa!
Von Dune's POV
Now, what? Anong gagawin ko sa harapan ng napakaraming napkin na ito?
Kanina pa ako dito at nakatingin lang ako sa sandamakmak na napkin.
Pinagtitinginan na ako ng mga babaeng costumer na bumibili din at pinagtitinginan na din ako ng mga sales lady.
Sino ba naman kasi ang matinong lalaki na nasa section ng napkin na pangbabae?
"Ah, sir. Kailangan niyo po ba ng tulong?"
Buti natanong niyo. Pero, argh!! Nahihiya naman akong sabihin na. Kailangan ko ng napkin.
Hindi ba? Nakakahiya!
"Napkin po ba?"
Nairita naman ako sa tanong niya. Para kasing ako ang gagamit the way the itanong niya sa akin iyon.
"Y--yes please.......for my friend."
Tumango tango 'yung sales lady habang may kinukuha sa mga nakahilerang napkin.
"Sir, with wings or without wings?"
Kailangan pa ba nun? Ano bang use kung with wings o wala? At saka ano bang wings 'yan? Lumilipad ba 'yang napkin?
"Ah, I don't know. Pwedeng lahat na lang ng klase bibilhin ko?"
Nagulat pa 'yung sales lady sa sinabi ko pero anong magagawa ko? Nagulat din ako!
Isa akong tunay na lalaki tapos makikita mong bumibili ako ng napkin.
Dyahe! Not cool!
"Okay po sir. Eh panty liner po?"
Ano naman 'yang panty liner na 'yan? PSH! Ang dami talagang Arte ng babae.
"Yeah, yeah, do whatever you want. Ilagay mo lahat ng kailangan ng babaeng may monthly period. Bibilhin ko lahat. At pakidamihan na din ng tampon."