Chapter 12: Papers

0 0 0
                                    

Von Dune's POV

Maghahapon na at ganun pa din ang kilos ni KM.

Ngumingiti siya  pero alam mong  pilit. Kinakausap ka niya pero alam mong dapat na hindi. Normal ang inaakto niya kahit alam mong dapat hindi.

Lahat ng kinikilos niya normal pero alam mong hindi dapat.

Alam kong pinipilit niya lang ipakita na malakas siya. Kagaya nga ng sabi ko. She really look broken trying to be tough. Hindi ko lang pinapansin lalo pa at alam kong malaking parte ito sa pagkatao niya.

Kaya naman mamayang gabi napagdesisyonan ko na gagawan ko siya ng bagay na magpapaligaya sa kaniya.

This time, I'll be the one who's going to make her happy. Kagaya ng ginawa niya sa akin.

"Manang, is everything set?"

"Oo Von, kanina pa. Gusto mo pa kumpirmahin ko pa?"

Umiling ako kay Manang.

"No need Manang. I can handle it."

Lihim ko naman sinulyapan si KM na nasa di kalayuan at nagdidilig ng nalaman habang naghahum pa.

Naisip ko tuloy, kung hindi ko lang alam from the start na broken siya pwede na siyang mag-arista.

Kasi siya ang tipo ng tao na palaging nakatawa na akala mo walang problema. She has this way para itago o kalimutan ang problema niya. O maybe not?

"Oh! Bakit mo ako tinitingnan? May dumi ba ako sa mukha?"

Hindi ako sumagot. Pinagmasdan ko pa siya. Ang sigla ng  boses niya pero ang lamlam ng mata niya.

"Ah alam ko na! Nagagandahan ka sa akin ano? Aaminiiiiin. Hahaha. Wag ka mag-alala di naman kita pagbabawalan. Basta ba kapag nagtagal may Bayad na--"

"Yeah, ang ganda mo. Sobrang ganda mo. Hindi ko nga maimagine na kung bakit sa ganda mong iyan ay nakuha ka pa niyang saktan."

Nanahimik siya sandali saka ako binigyan ng tipid at pilit na ngiti.

"Kasi kung ako siya, I would never do that to a beautiful girl like you. Imbes ay itatago pa kita sa lahat ng lalaki para di ka nila maagaw sa akin."

Nakita ko ang pagbabago ng ngiti sa labi niya ang mas lalong paglamlam ng mga mata niya.

Huminga siya ng malalim.

What If?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon