KM's POV
Ngayong umaga magaan ang gising ko, hindi kagaya ng mga nakaraang gising ko. Lalong lalo na nung mga gising ko 2 years ago.
Ngayon, magaan, walang dinadala sa dibdib, masaya, at maaliwalas.
Pakiramdam ko walang makakasira ng araw ko kahit pa paglinisin ako ng bubong ni Dune habang sobrang tirik ang araw.
Ganun kagaan ang gising ko.
Kaya naman nag-ha-hum na naman ako habang pababa ng hagdan ng twinkle twinkle little star.
Pagkababa ko ng hagdan, may nakita akong mga gamit, bag siya travel bag. Mukhang may bisita si Dune ah. At mula sa kinatatayuan ko nakakarinig ako ng ilang boses galing sa kusina.
Mukhang may bisita nga siya.
Kaya naman pumunta na ako sa kusina at doon ko sila nakita.
"Wahahahaha. Sabi sa inyo nakakatawa eh. Hahaha."
"Does she really did that? Wow! She's really something. I didn't know na she's capable of doing that. Biruin mo, natadyakan niya sa junior ang dalawang bouncer? Wow!"
"Oo tapos ano pa--- aray!!"
Napatingin naman silang lahat sa akin pero ako ay kay Peach lang nakatingin habang nag-aapoy ang mga mata. The hell! Bakit nandito sila?
"Oh KM. Ganiyan na ba ang bagong good morning at I miss you? Batok?"
"Che!! Wag mo nga akong ginagago Peach! Anong akala mo may pa good morning ka pa at I miss you mula sa akin gayong pinapahiya mo na ako?"
"Pinapahiya? Saan don? I was just telling them how great you are nung sinipa mo ang bouncer sa junior niya. Di ba? Kaya nga nabawasan gig natin?"
"Che! Lasing ako nun!"
Inilipat ko naman ang tingin ko kay Dune na palihim na tumatawa."Isa ka pa! Ano tinatawa tawa mo diyan? Ha?"
Binigyan naman niya ako ng painosenteng tingin.
"What? What did I do?"
"What did I do, what did I do." Panggagaya ko sa boses niya.