Dalawang Taon na ang na kalipas pero wala ka parin sa piling ko at hindi ko alam kong nakaligtas ka pati ang anak natin..
Nasaan ka na mahal ko?
Tumulo ang luha ko dahil nalulungkot ako at masakit sakin..na hindi niya man lang na iligtas ang mag ama niya...
Titiisin ko alam kong babalik ka kayo ng anak ko, mahahanap mo kami..
Hindi ko mapigilan na umiyak hanggang ngayon ay nangingulila siya sa dalawang tao na hindi niya alam kong buhay pa sila.
Blood ano ba ang ginawa mo?
Sana bumalik na ang alaala mo mahal kong kapatid..Ikaw na lang ang hinihintay..
"Umiiyak ka na naman Thesy?"malamig na tanong nito ikinalingon niya dito..
Nagbago nga ang gago. Dalawang taon din itong patuloy na sinasaktan ang sarili... Mahal niya nga talaga ang babae na 'yon.
Minsan na itong lumuhod sa harapan na huwag siyang iwan pero sinaktan pa din ni Cluodette ang kapatid niya.
"Hindi mo ba siya hahanapin mahal kong kapatid?"Tumaas ang sulok ng labi nito at ngumisi sa kanya...
Demonyong ngiti..
"Ba't ko hahanapin ang babae na 'yon!babae na walang kwenta at patapon na ina ng anak ko? madumi na siya para sakin at napagsawaan ko na siya at sa tingin mo masaya na siya dapat na magdusa siya sa lahat ng ginawa niya sakin."Galit ang nakikita ko sa mata nito..
Bakas ang galit nito sa babae,alam naman niya iyon.Nagdusa ka pero mas nagdudusa siya ng hindi mo alam..
"Sa tingin mo magiging masaya ang anak mo?Hindi ka ganyan Angkent, alam kong mahal mo siya pero hindi ibig sabihin non kailangan mo na ibuntong ang galit sa kanya, pano pala kong may dahilan si Cloudette hindi ka makikinig pano kung talagang lumayo na siya sayo 'yong subrang layo ay hindi mo na maabot kahit kailan.. Sino ang kawawa ikaw, pero siya pinapatay na niya ang sarili para maging masaya ka at ligtas, siya kaya naging ligtas ba siya sa kamay ng ama niya,..May panahon na pwede mo siyang itakas pero hindi mo ginawa naging duwag ka katulad niya at wala ka din pinagka iba sa kanya.."sinabi niya 'yon ng harap-harapan ang panunumbat niya ay tama.
Umiiyak ito ngayon sa harapan niya.. Parehas lang sila nasasaktan..Pano pa kaya iyong mga mahal nila..
Yumakap siya kay Angkent na patuloy na umiiyak..
"Maghintay lang tayo dahil ang tadhana na ang gagawa ng lahat ng ito..Mahal ka non..hindi siya gagawa ng ikasasakit sayo kung mali ang mga desisyon niya para sayo Angkent.."Ngumiti siya at bumitaw sa pagkakayakap at hinawakan niya ang pisge nito..
"Mahal ka ni Cloudette kasi ako Mahal ko din siya..Kasi siya ang kapatid ng asawa ko.. at hindi ako nagsisi sa nangyari...maniwala ka mahal ka niya kayo ng anak mo.."hinalikan niya ang magkabilaang pisnge nito at iniwan upang ma ka pag-isip ito.
****
Nandito sila ngayon sa hapag-kainan tahamik na kumakain mga tunog lang ng kurbyertos ang maririnig mo...Na kita ko ang pag kislap ng mata ni Angkent pati sila Ama at Lolo ay nagtataka..
Sana nandito si Mommy alam kong matutuwa 'yon kaya lang kailangan ni Blood na bantayan kasama ito ngayon ni Mommy upang mapalagay ito sa maayos..Dahil may amnesia ang halimaw sa angkan namin..
Nakarinig kami ng sunod-sunod na tunog ng mga sasakyan na papalapit at huminto..
Mabilis akong tumayo dahil kumabog ang dibdib ko hindi ko alam sino sila..
BINABASA MO ANG
Killing Is My Business(Slow Update)
General FictionLahat marunong magpanggap Maraming nakatagong sekreto Buhay ang nakataya Mano-manu ang laban Gagawin niya ang lahat kahit pumatay siya, Lumaking siya na walang sinasanto mayaman man o mahirap. Hindi siya malinis,Hindi siya masaya. May kalaban siya,K...