Yapak

156 2 0
                                    

Ito ay kwento ng mga kapitbahay ni pinsan doon sa apartment.

Ang apartment ay tatlong palapag at bawat palapag ay may malaking pabilog na butas sa gitna at may harang na hanggang baywang na patayong bakal para naiwasan na mahulog lalo na ang mga bata pag dumungaw ka sa pabilog na iyon ay kita mo ang hagdanan at syempre ang babang bahagi kapag nasa second floor ka or nasa third floor, mayroon ding doon terrace at pwedeng tambayan para magpahangin o tumingin sa mga bagay sa baba at ibang lugar na matatanaw mula doon.

*Ate Yani*

Si ate Yanie ay nasa early thirtie's may isang anak na nasa isang taon kaya nasa apartment siya madalas.

Ala una daw noon pinapatulog niya ang kanyang anak ng makarinig sya ng mga tunog ng mga paa paakyat panaog mula sa unang palapag hanggang ikalawang palapag at bumababa rin at pabalik balik lamang halos kalahating oras na daw at hindi raw nakakatulog ang kanyang anak dahil sa lakas ng yapak ng mga paa., dahil sa inis lumabas siya ng unit at tiningnan niya doon sa pabilog ngunit nagulat siya na walang ni isang tao na nasa labas ng kanilang unit ngunit dinig na dinig niya pa din ang yapak ng mga paa na pabalik balik. Ilang ulit nya tiningnan iyon ngunit wala talagang tao, unti unti na lang siyang umatras papunta sa loob ng apartment at pinapatulog ang kanyang anak habang nagpatugtog siya music para mawala ang pangangatog at takot.

*Ate Marie, Kuya Elmar, at Mama ni Ate Marie*

Kasalukayan daw na nagbabakasyon sa kanilang mag asawa ang Mama ni Ate Marie, Kakarating lang ng matanda mula sa 18 oras na byahe sa barko, kaya natulog muna ito ito sa sofa sa sala. Maya maya daw ay nagising ito at tininanong ang anak kung pwede daw ba makitulog sa kwarto ng mag asawa, ayon dito maingay nga.

Sumangayon naman ang anak at kahit na nagtataka man ay hindi na nagtanong pa. Lumabas naman silang mag asawa sa sala at nanunuod ng tv, nasa kalagitnaan sila ng pinapanuod nila makarinig ng parang tumakbo pakyat ng hagdan at humahangos pa. Paulit ulit iyon halos mga mag iisang oras dahil nasa first floor sila tiningnan parehas sa labas ng bahay. Kitang kita daw nila ang isang lalaking maputlang maputla ang mukha habang pawisan at tumatakbo paakyat sa hagdan. Dahil hindi nila kilala ng lalaki sisitahin sana nila ito ng marinig nila na papababa na ang mga yapak ng paa. Ngunit nagkatinginan na lang sila dahil dinig na dinig nila ang mga yapak ng paa ngunit wala silang nakita. Sabay silang pumasok sa loob ng apartment at medyo nilakasan na lang ang volume ng tv para maibsan pangingilabot nila.

Ayon sa may ari may tenant daw noon n namatay doon sa apartment dahil inatake sa puso.

*like*

*comments*

*pakifollow na din po*

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon