Bata sa kubo

276 5 0
                                    

    *****Ito ay kwento ni nancy,
       --- girlfriend ng kapatid ng kaibigan ko*****

    Magdadalawang buwan pa lang kami ni mike na magkasintahan ng niyaya nya akong pumunta sa bahay nila para ipakilala sa parents nya...

   Nagbyahe kami ng mga isat kalahating oras patungong bulacan, (mula maynila) kung saan siya nakatira kasama ang mga magulang nya Kinakabahan aq sa hindi malaman na dahilan ng mga panahong iyon, natetense kasi ako syempre meeting the parents hehehe...

   Mga alas tres na nang makarating kami, naupo kami sa sala habang naghihintay sa mama nya na nooy ngluluto ng merienda.

   Pagkatapos magluto ng mama nya ay tinawag nya na rin ang asawa nya, nakipag kwentuhan pa kami ni Mike habang nagmimerienda para makagaan daw ako ng loob ang magulang nya. Mayamaya niyaya ako ni mike sa kubo sa likod ng bahay nila darating daw ang aming barkda kaya nagpaalam na kami sa magulang nya para maghanda ng pulutan at mga iinumin namin.

    Padilim na ng sila'y nagsimula at naki jamming na din ang kanyang magulang, medyo maingay kami noon lalo na ng nabangenge(nalasing) na kami. Ngpaalam ako sa kanya na maupo muna ako sa kawayan na silya malapit sa bintana kung saan paharap sa likod na kubo na magubat.,

    Napatingin ako sa malagubat sa likod at di sinasadyang napatingin ako sa baba, wala akong nakita pero medyo natakot ako nang hindi ko mawari...

    Pppsssstttt!!! Pppsssstttt!!! Malakas na pagsusuwit napatingin ako kina Mike pero masaya silang nagkwentuhan.

    Pinagtitripan ata ako ng mga ito, naisip ko kasi mahilig si mike manakot, kaya binaliwala ko na lang.

    Pppsssstttt! ! Pppsssstttt! ! Naulit na naman lumapit ako kina Mike noon at sinita sila---
Ako'y tigil tigilan nyo sa pananakot Mike ha..nanahimik ang tao eh pinagtitripan nyo!! Pagalit ko sabi kaya naputol ang kanilang kwentuhan, tumingin lang sakin na parang nag iisip din kaya bumalik ako sa kinauupuan ko.

   Bumalik ulit ako sa pag upo doon sa pwesto ko para mgpahangin.Sarap ng hangin malamig at sariwa naisip ko, parang nasa tagaytay lang ah,. Maya maya pa medyo sumubra na ang lamig parang gininaw na ako. Tatayo na sana ako pabalik kina Mike nang ppppssssttt!!!! Pppsssstttt! !! Pppsssstttt! ! Medyo kinabahan na ako habang tinitingnan ko kasi sila mike naririnig ko pa din ang pag suwit parang ako talaga ang sunusuwitan.

     Napatayo ako ng mapagtanto ko na hindi sa kanila galing ang suwit. Galing ito sa labas dun sa malagubat nilang likod, kahit kinabahan ako pero nagawa ko paring dumungaw at tiningnan ang pinanggagalingan neto. Nadako anag mata ko sa baba medyo may liwanag pa din doon sa ilalim dahil sa siwang ng sahig ng kubo., nakita ko ang isang batang lalaki na  nakasiksik sa baba, nakahubo ito maikli ang buhok, yakap yakap nya ang kanyang mga tuhod ngunit nakatitig sa akin at pero puro puti ang mata nya na parang umiilaw sa dilim at ngumingiti pa sa akin.

    Aaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!! Palahaw ko at nagpulasan naman sila Mike pa punta sa akin, ng mahimasmasan ako ay kaagad din akong nagkwento sa kanila ng pangyayari.

    Weniwelcom ka lang "niya"  tanging sabi ni Mike habang nililigpit nila ang aming kalat, tinigil na kasi nila ang inuman pagkatapos ng pangyayari nang gabi iyon...

***DONT FORGET TO COMMENT AND VOTE***

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon