Maria Labo (incounter)

138 3 0
                                    


Ito ay kwento ng kaprobinsya ko na
si Tita Rema

Si Tita Rema ay kapitbahay ng aking pinsan sa Valenzuela, dahil nakituloy ako sa pinsan ko ng mga tatlong buwan, hindi maiiwasan hindi ko makikilala ang mga nakatira sa apartment na tatlong palapag at bawat palapag ay mayroong tig aapat na unit at ang mga naninirahan doon ay puro kaprobinsya ko.,

Minsang napagkwentuhan namin ang tungkol kay maria labo,. Ito ay kinakatakutan noong bata pa ako sa aming probinsya sa Visayas,. Si Maria Labo ay may malaking taga sa kanyang mukha na gawa ng kanyang asawa ng malaman niya na niluto ni Maria ang dalawa nitong anak at inihain pa neto sa kanyang asawa, habang ng patakas ay natangay din niya ang kanilang baby. Ayon sa balita noon sa radio ay naging aswang daw si Maria Labo dahil binayaran siya ng malaking halaga para manahin ang pagiging aswang ng kanyang foreigner na amo ng mangibang bansa siya.

Unang binalita sa radio at sa local tv station sa visayas ang tungkol kay Maria labo, sa hindi mapaliwanag ay nagkasunod sunod ang insidente ng mga nawawala umanong mga bata at nakakakita ng babaeng palaboy laboy at may malaking taga sa mukha. Hindi ko malimutang halos araw araw noon ay nababalita sa tv o sa radyo.

Ayon kay Tita Rema ng mga panahong iyon ay nasa probinsya pa siya malayo sa city ang kanilang lugar at malapit sa ilog. Isang araw ngtataka siya ng makarinig ng nagkakagulo na mga tao malapit sa ilog. Dala ng kuryusidad nagtungo din siya doon sa kumpol ng tao, nanindig daw ang balahibo niya ng pinagmasdan ang tinuturo ng mga tao na nakadapo sa kawayanan.

Ito ay isang babae, may pakpak ito at ang katawan nito ay mula baywang lamang pataas, hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakatakip ang gulong gulo nitong buhok, ayon sa kanya siguradong sigurado siya na babae iyon. Sa buong buhay nya noon lang daw siya nakakita ng ganun nilalang at maliwanag na maliwag pa ang sikat ng araw ng mga oras na iyon. Hindi naman daw umatake ang nilalang dahil marami daw ang taong naroon sa ilog, kaya lumipad ito papalayo. Nang mga panahong nakita nila ang nilalang na iyon ay kausuhan ni Maria Labo iyon kaya lahat ng nakakita ay naniwalang iyon si Maria labo.

FYI

MARIA -PANGALAN NG ASWANG.
LABO- MEANS TAGA IN ILLONGGO DIALECT

*i hope na magustuhan nyo*

*Like*

* Comment*

*pakifollow na din poh*

-----May mga book akong sinusulat ngayon at tinatapos kaya sana basahin niyo rin kapag pinublish ko-----

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon