Doppelganger ni Misis

116 3 0
                                    

Ito ay karanasan ng aking kakilala, itago nating sa pangalang Charlie

Magdadalawang buwan na kami sa inuupahan naming bahay, medyo malayo ito sa lungsod hindi rin maganda ang daan. Nagandahan ako sa bahay kaya wala na ding magawa si misis noon, sa unang buwan wala akong nararamdaman na kakaiba sa bahay, ngunit nagbago ang lahat nang mangyari sa akin ito.

Pinili kong matulog kasama si misis nang tanghali na iyon, ng magising kami bandang alas tres ng hapon nagkukulitan kami ni misis noon at tawa ng tawa maya maya pa ay nagkwentuhan kami at nagpalitan ng opinyon sa latest issues na nangyayari dito sa Pilipinas at maging sa America. Maya maya pa ay nagpaalam akong pumunta sa office ko na nasa kabilang kwarto lang din ( tanging ang banyo lang ang pagitan nito,) at may ibibigay ako sa kanyang libro.

Pagkakita ko ng libro ay binitbit ko ito papuntang kwarto namin, ng napatingin ako sa banyo na madadaan ko bago ko marating ang kwarto namin ay nakita ko si Mrs na umiihi at nakabukas ang pintuan. Hindi man nagsalita ay pinakita ko na inis ako sa hindi nya pagsasara ng pintuan ng cr kapag ginagamit niya ito, medyo may pagkamasilan kasi ako.

Nabitiwan ko ang librong hawak ko at ang inis ko ay napalitan ng pangingilabot dahil pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko ang asawa ko na nakahiga sa kama,. Tanging nasambit ko na lang ay Jesus christ!! Tiningnan ko ng salitan ang kwarto at ang banyo nakita ko parin angbabaeng kamukhang kamukha ng aking asawa ko doon sa banyo ngunit nasa harapan ko din ang aking asawa. Kinilabutan ako ng , mga oras na iyon natatakot man ay tinanong ko parin si kung nanggaling siya ng banyo.

Gaya ng inaasahan ko ay "hindi" ang naging sagot nya., at tumingin sa akin na parang nagtatanong kung anong nangyari. Natameme ako ng ilang saglit at ng makabawi ay naisip ko na ang nakita ko ay isang "Doppelganger " yan ang tawag sa nakita ko na kinopya ang itsura ng asawa ko. Sinabi ko sa kanya ang nangyari pati siya ay kinabahan, pero sa awa ng diyos wala namang nangyaring masama sa kanya, pinaniniwalaan kasi ng iba na may masamang mangyayari sa taong makikita ng iba ang kanyang doppelganger.

*vote*

*comment*

*Pakifollow na din po ako*

Maraming Salamat sa 310 na reads,sa mga magvote at nag add sa kanilang library at sa mga nagfollow sa akin. Sisikapin ko pong makaupdate ng 2 stories bawat araw para hindi kayo mainip sa paghihintay:)

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon