Engkantong Inlab

158 4 0
                                    

****ito ang susunod na story ay story ni Mac
na kapatid ng kaibigan ko****

Ako nga pala si Mac, ang pangyayaring ito ay nangyari sa akin noong teenager ako.

Maaga akong nagising noon, naging masipag ako para matuwa sina mama at papa sa akin at payagan akong dumalo sa sayawan dito sa aming baranggay. Sayang kasi ang kapogian ko kung hindi ako makakapunta sa ganuon pagdiriwang..

Mga alas syete noon nung nagsidatingan na ang mga barkada ko sa bahay, pinayagan ako pero mas mainam na yung sigurado haha. Habang papalakad kami papuntang covered court ay marami rami na din ang mga teenagers na naglalakad rin. Inikot ko ang mga mata ko para makakita na ako ng mga prospects ko na maari kung isweet ng sayaw. Ang daming magagandang chicks kaya busing busy ako sa kakatingin humahaba ang aking leeg noon.

Nagsimula na silang magpatugtog ng isang kanta at alam ko simula na ng sayawan, at ang mga barkada ko ay andoon na sa gitna habang my mga chicks na rin doon.

Makapunta nga sa kanila baka nainis sa akin kanina, habang busy ako sa kakatingin ng chicks--kausap ko ang aking sarili.

Pare iniwan nyo naman ako ng hindi nagpapaalam--- ako

Ambaho kasi doon pre--- jim

Ah parang wala naman ah---- sagot ko.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas parang napupuna kung lumalayo talaga sila sa akin parang walang gustong makisayaw sa akin, bat kaya??

Medyo nawalan ako ng ganang sumayaw, parang humihina ang tuhod ko ng di ko mawari, parang anlamig na ewan. Pumagilid muna ako at naupo noon, nakikiramdam sa sarili ko.

Nakakainis naman oh! La pang isang oras para napagod agad ako!! -- pagmamaktol ko mag isa.

Pre ayos ka lang ba? --- tanong ni Tom.

Parang hindi pre hinang hina ako ii--- ako.

Halika pre ihahatid ka na muna namin-- sabi nina jim at tom na medyo nag aalala.

***sa bahay***

Tito!!! Tita!!! Tao poh!! Malakas na sigaw nila jim at tom.

Mayamaya pa ay lumabas di papa na pupungas pungas pa.

Gud eve, po tito hatid lang namin itong si Mac, sumama yung pakiramdam ii.. paliwag ng dalawa.
Habang pumasok na din sa bahay at umuopo sila doon sa sala, maya maya pa nagising din si mama. Akala ko noon ay aalis na sila jim at tom pero nanatili pa sila roon ng medyo matagal. Papasok na sana ako sa kwarto ng nagsalita si Tom...

Ppprree!! Sunugin mo iyan damit mo,. --tom

Hhaahh?! Naguguluhan kung tanong.

Bakit ?? --- tanung ni mama si papa naman ay tahimik lang noon.

Kanina kasi may nakikita kaming babae na parang sumusunod sa iyo, kaya kanina iniwan ka namin dahil ang baho mo pre!! At noong lumapit ka sa amin sa gitna habang sumasayaw kami kitang kita namin ang babaeng sobra ang dikit sayo, kaso hindi namin makita ang paa nya tinitigan pa kami ng masama parang nanlilisik ang kanyang mata , hindi kami mapalagay kanina lalo na noong nakita namin na sumama pa ang pakiramdam mo,.

Naku poh diyos ko!!! Taranta si mama

Halos hindi kami nakatulog noon kinaumagahan, nilagnat ako, at pinatingnan ako sa albularyo kaagad agad dinasalan at pinausokan ako noon, mga tatlong araw noon gumaling na ako pero sa takot ko ay natili muna ako sa bahay...

Ayon naman sa albularyo ang babae daw ay engkanto na nagkagusto sa akin na nakatira sa mangga malapit sa bahay, madami kasing mangga sa coumpound namin.

****please dont forget to vote and comment****

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon