Killer road 2

112 3 0
                                    

Ito ay galing kay Earl

Nangyari ito sa Boracay kung saan ako ay nakapagtrabaho doon ng ilang buwan noong 2013.

Earl POV

Kakauwi ku lang mula sa trabaho kaya nahiga muna ako sa aking kama sa aming quarters. Patulog na ako noon ng biglang tumunog ang aking cellphone.

Hello?? Sino po sila? Bungad ko sa kabilang linya hindi kasi nakaregistered ang number sa cellphone ko.

Kilala mo ba si Justine? Tanong ng nasa kabilang linya.

Opo kilala ko pinsan ko poh siya. Sagot ko

Pumunta ka dito sa quarters nila at naaksidente siya sa motor, katrabaho niya to nakuha ko lang iyong number mo sa iba pa naming katrabaho. At sabay na ibinababa pagkatapos niyang magsalita.

Nahinto ang aking sinasakyang motor sa lugar na malapit sa quarters ng aking pinsan ko, kumpol kumpol ang mga tao kaya hindi makakadaan ang aking sinasakyan, ng makisisksik ako sa mga tao ay nakita ko ang isang lalaki halos hindi na makilala ang mukha, dahil sa pagkabasag ng kanyang ulo at halos pumasok ang kalahati ng kanyang katawan sa manhole na noon ay aking ipinagtataka kung papaano siya napasok doon. Halos nanghina ang aking tuhod ng makita ko ang suot na damit ng lalaki. Si Justine!!! doon na ako napahagulgol ng malakas dali dali kung bunuksan ang aking bag para kunin ang aking cellphone , pero bago ko makuha ang aking cellphone ay nakapa ko ang aking digicam. Nanginignig ang aking kamay na kinuhaan ng litrato ang bangkay ng aking pinsan.

Tumulong ako sa pag asikaso ng bangkay ng aking pinsan upang madala sa aming bayan, at ng makauwi ako sa lamay ng pinsan ay nagkwento si tita na palagi daw niyang napapanaginipan ang aking pinsan na namatay na humuhingi ng tulong sa kanya na parang nakakulong sa isang lugar, .

Naalala ko nòn ang kinuha kung litrato sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente tiningnan ko ito at laking gulat ko ng may nakita akong kakaiba doon isang pigura ng babae ang lumitaw. Malinaw na malinaw ang kanyang mukha sa ilang sjots na aking nakunana agad ko itong ipinakita sa aking tita. Bago ipalibing si pinsan ay kumunsulta kami sa isang albularyo at doon namin napag alaman na kinuha daw ng babae ang kaluluwa ng aking pinsan para may makakasama siya,. Ayon sa albularyo ang babae daw ay nirape at pinatay sa lugar na iyon at bilang ganti ay nangunguha daw siya ng mga kalulluwang makakasama.

*nakita ko po iyong mga litrato pero hindi po ako pinahintulutang ilagay dito sa kadahilanang lumalakas daw ito at pwedeng magparamdam o magpakita. *

* vote *

*comment *

*pakifollow na din poh*

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon