Killer Road

105 2 0
                                    



Ito ay mula kay Lucille ng Siquijor

Nagbakasyon kami ng asawa ko noon sa Siquijor mga mag iisang linggo na kami sa isang resort doon ng may narinig akong balita ng akoy bumili sa tindahan nina Lucille. Ayon sa isang driver ng tricycle na nagkukwento noon sa tindahan may naaksidente daw na na mag asawang foreign na lugar papuntang bundok na parte ng siquijor.Dead on the spot daw yung babae habang niluwas naman ng cebu ang lalaki dahil sa malubhang lagay, dahil hindi ako nakuntento sa narinig ko noong araw na iyon kinabukasan ay tinanung ko si Lucile ng sumunod na araw.

Lucille POV

Sa maraming taon na aking nakalipas na maraming buhay ang nasasayang sa lugar na iyon. Bawat taon mahigit kumulang dalawampu ang namamatay doon. Ayon sa kwento rito mangunuha daw doon,. Pinaniniwalaang engkanto daw n nakatira sa isang malaking puno ang sanhi ng aksidente. Isa ang kapit bahay namin sa mga namatay ngayong taon isa siya driver ng tricycle, bagamat bihasa na siya sa pagdidrive sa lugar iyon ngunit naaksidente parin siya, may mga pasahero siyang sakay noon ngunit hindi naman sila nagtamo ng malubhang sugat. Ang nakakapagtaka lang daw ayon sa pasahero ay ng nadako na daw sila sa tapat ng puno ay bigla na lang parang may iniwasan ang driver at ibinunggo niya mismo ang tricycle sa puno habang sumigaw. At sa tuwing may naaksidente doon ay hindi maaring walang namamatay sa mga naaksidente, may kinukuha na isang buhay. Marami ring driver ang ayaw magsakay ng pasaherong gusgo tumungo sa lugar na iyon, iyong iba naman ay sinasabing kailangang magbusina para magbigay galang sa nilalang na naninirahan sa puno.Naniniwala akong may roong kababalaghaghan na nangyayari doon pero hindi ko naman pinipilit na maniwala ang sino man sa akin.,

Vote

Comment

Pakifollow na din po ako:D



Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon