Multo ni..........

57 3 0
                                    


Ito ay kwento ng aking pinsang si Natalie Tungkol sa pagmumulto daw ng kapitbahay nilang nagangrape at pinatay.

Kalilibing lang ng anak ni aling Marta, naghihinagpis man sa pagkawala ng anak ay kailangan niya bumalik sa trabaho na paglalako ng ng isda sa mga bahay bahay. Kinailangan niyang gumising sa umaga para pumunta sa fishport sa aming lugar para mabili ng mura ang isda na ititinda at siguradong bagong huli ito.

Tinext niya ang kanyang suki na tricycle para masundo siya sa kanilang bahay ang bahay kasi nila ay malayo sa highway at papasok sa taniman ng tubo. Mga kalahating oras na siya naghihintay ngunit hindi parin dumarating ang tricycle kahit na nagreply naman ito pupunta siya. Habang naglalakad bitbit ang flashlight madadaanan niya ang lugar kung saan nilunod ang kanyang anak na nirape.

Habang papalapit siya sa lugar ay natanaw niya ang tricycle ng kanyang suki na nakahinto doon mismo sa lugar na nakitaan ng bangkay ng anak. Hindi pa man siya nakalapit ay nagsalita na ang driver na tulungan siyang mapaandar ang makina ng tricycle bigla na lang daw namatay pati ang ilaw. Inilawan niya ang gulong ng tricycle hindi naman flat kaya nagtataka sila parehas dahil nacheck na nila lahat ng maaring sanhi kung bakit tumigil ang tricycle.

Bigla niya na lang sinabing anak naman huwag kang magbiro ng ganyan at maghahanap buhay si mama. Kasunod noon ay umandar na ang tricycle ng sinubukang paandarin ng driver nagpasalamat sila pareho at nakahinga ng maluwag.

Magkaibigan kasi ang namatay at palagi daw itong nakikiangkas sa kanya ang anak ni aling marta tuwing hapon.At simula ng mamatay ang dalagita ay wala ng pumapasok na tricycle sa kanilang lugar dahil natatakot na ang mga driver na mamatayan ng makina kapag natapat sa lugar na iyon, wala naman daw nagpapakita pero kusang namamatay lang daw ang makina ng tricycle at minsan ay biglang lumalamig ang hangin sa paligid.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang salarin at ang mga suspect nay isa isang nawala sa kanilang lugar at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagpaparamdam ng dalagita.

RIP SA DALAGITA AT SANA MAHULI NA ANG GUMAWA NG KRIMEN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon