Chapter 2.6

12.3K 228 12
                                    


Payne

Ano ba tong nagawa ko?

Bakit ko sinabing gusto ko siya?

Kagat kagat ko ang daliri ko ngayon habang nagluluto ng pasta. Ganito ako kapag kinakabahan ako.

Hindi ko naman siya gusto diba?

Siguro nga hindi talaga. Ginawa ko lang yun para paamuhin siya at para mas mapadali na ang gagawin kong pagkuha sa kanya. Oo tama!

Inangat ko yung takip ng pasta ng hindi nag iisip kaya napaso ako at nahulog yung takip sa sahig. Dali dali ko yung kinuha at napaso nanaman ako kaya nahulog ulit ito.

Ano ba yan! Katangahan! Sakit.

"Payne?!"

Biglang sumulpot si Megan sa pintuan ng kitchen at lumapit sakin. Inayos nito yung takip bago ako hinarap.

"Daig mo pa ang bata. Akin na nga yan!"

Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at inihipan. Napangiti tuloy ako bigla.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan? Tingnan mo oh. Namumula tuloy!"

May pumasok na kalokohan sa utak ko at agad ko itong sinabi kay Megan.

"Gagaling daw yan kapag kiniss."

Tumaas naman ang kilay niya na halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Teacher ako at alam ko yun."

Alam ko kasing may taglay itong likas na kaengotan at isip batang utak kaya sinamantala ko ito hihi.

"Talaga? Okay."

Maya maya naramdaman ko na ang malambot na labi nito sa daliri ko at hindi ko alam kung bakit napakaraming boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Wala sa sariling napatingin ako sa kanya at napansin kong nakatingin rin siya sakin.

"Mas masarap-- I mean mas gagaling daw yan kapag sinubo."

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun pero dala na rin siguro ng kapilyahan ko kaya lumabas sa bibig ko.

Ilang sandali lang naramdaman ko ng ipinasok niya ito sa bibig niya at sobrang init.

Shit! She's turning me on!

"Lick it."

Ginawa niya naman yun at tila ba sobrang init na dito sa condo unit ko! Ramdam na ramdam ko ang dila niyang bumabalot sa daliri ko at I have to admit it-- masarap.

"Whaaah! Payne! Nasusunog na yung pastang niluluto mo!"

Ahh shit!

Pinatay ko kaagad yung stove at chineck yung pasta-- mukhang okay pa naman siya. Humarap ako kay Megan at nakatulala lang ito na parang may tinititigan kaya napatingin na rin ako sa tinititigan niya which is yung daliri kong subo subo niya kanina.

Hmm.. mukhang may taglay rin siyang kapilyahan? ;)

Pilyang ngumiti ako at tinitigan siya habang itinaas ko ang daliri ko. Hindi ko inaalis ang eye contact ko sa kanya ng isinubo ko ang daliri kong subo niya kanina. Dinilaan ko ito habang nakatitig sa mga mata niyang nanlalaki na ngayon at sa mala kamatis niyang mukha. Hahaha!

"Bakit mo dinilaan?!"

"Kasi masarap?"

"Ibig sabihin.."

"Indirect kiss baby", nagwink pa akl sa kanya. "Ang sarap mo pala."

Yumuko ito at mukhang inis na inis.

"Walanghiya ka talaga Evans!"

"Ouch! Shit! Tama na!"

Pinagpapalo niya ako ng sandok kaya tumakbo ako papuntang sala. Naghabulan lang kami na parang walang bukas ng biglang--

"Grrrurr~!"

"Hahahaha! Mukhang gutom na ang baby mo ah?"

"Evans!!"

Naghabulan na naman kami sa kitchen.

Ang saya lang!

My Seductive Teacher (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon