Chapter 5.6

6K 115 16
                                    

  Chapter 5.6

 Payne's POV 

 "San ka galing?"

 Iyan ang bungad ko sa magaling kong kapatid pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa pinto. 

 "Gabi na, kanina pa tapos ang klase mo, san ka nagpunta?"

 Mataman lang itong tumayo saka sarkastikong tumawa.

 "Don't act as if you care." He smirked.

 "Galing ka sa kanila? Hinatid mo siya? Kasi nililigawan mo siya? Masaya ba?" Mapait akong tumawa.

 "Pa'no kung oo, ano naman sa'yo?" Nanlilisik niyang mata ang kasalukuyan tumutusok sa'kin ngayon. 

 "Tandaan mo, akin siya. Akin lang." Sagot ko.

 "Ano naman kayang sasabihin ni daddy d'yan? Ano kayang iisipin ng pamilya ng fiancè mo?" Humakbang siya palapit sa'kin. "Hindi mo ba naisip yun, Payne? Anong gagawin mo pag tinakwil ka nina mommy't daddy dahil jan sa kabaklaan mo? KADIRI."

 Nagpantig ang tenga ko sa'king narinig. Naikuyom ko ang aking mga kamay at masama siyang tinignan, nagpipigil..

 Oo, totoo. May fiancè ako. Nasa Paris pa ito at malapit ng umuwi dito sa Pilipinas para sa paghahanda ng kasal namin.

 "Mahal mo ba talaga siya?" Wala sa sariling itinanong ko sa kapatid kong kasalukuyang iniinom ang beer na kinuha nito sa ref.

 "Gusto ko siya." Tipid nitong sagot. 

 "Ang tanong ko ay MAHAL mo ba siya?" Lumapit ito sakin.

 "Pa'no kung oo? May magagawa ka ba? Soon, she'll gonna be mine. Remember that." Saad nito at tuluyan nang umakyat sa kwarto niya.

 Tiim bagang akong tumingin sa mga mata niya na tila pinapatay ko na siya sa isip ko pa lang. Hindi niya ko pinansin, sa halip ay umakyat na ito sa kwarto niya. 

 Maraming magtataka kung paano nangyaring may fiancè ako. Bisexual ako. Tanggap ako ng magulang ko. Iyon ang akala ko. 

 They set me up for an arrange marriage few months ago. Noong isang linggo ko lang ito nalaman. Miski ako ay hindi makapaniwala. Lahat ng pinaniwalaan ko ang isang malaking kasinungalingan.

 Akala ko OK kami ng mga magulang ko. Akala ko tanggap ako. Akala ko wala nang problema dun. Ang taas ng pangarap ko para sa sarili ko, para sa'min ni Megan.

 Oo, nagbago na ko ng dahil sa kaniya. Hindi na ko nag-uuwi ng mga babae sa condo ko. Hindi ko na nga din kino-contact ang bed buddy-slash-kaibigan kong si Ashley, e. Wala na akong ibang inisip kundi si Megan at ang magiging future namin.

 Pero lahat ng mga pangarap ay pawang mga panaginip lamang. Panaginip na hindi kailanman tiyak kung matutupad ba.

 Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang phone at bag ko, pati na din ang susi ng kotse. I'm not going to spend my night here. Mas lalo lang maiuukit sa isip ko kung ga'no kaikling oras na lang ang nalalabi para sa sa'min ni Megan.


 Lumabas na ko ng bahay at nagdrive pabalik sa condo ko. Habang nagda-drive, napaisip ako. Bakit hindi ko tanggihan yung pagpapakasal? Nah~My father is a very powerful man that he can ruin people's lives. Including mine. He can be heartless if he wants to. At ayokong pagdating ng araw ay pagsisihan ko ang lahat lalo na pag nadamay si Megan dito.


 Napadiin ang kapit ko sa manibela. Ang kislap sa mga mata ni Kenth ay nagsasabing gusto nga niya si Megan. Hindi maipagkakaila. Pero ba't di kami magkasundo? Simple lang. He's my half brother. Magkapatid lang kami sa ama. 

My Seductive Teacher (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon