Megan's POV"Class Dismissed."
Nag-uunahang magsilabasan ang mga classmates ko pero wala akong pakialam sa kanila. Nakatuon lang ang tingin ko kay Payne habang inaayos niya yung mga gamit niya na ginamit sa pagtuturo kanina. Ano bang problema niya?
"See you." kalabit sa'kin ni Kenth at lumabas na. Tumango lang ako para wala nang diskusyon.
Paglabas ni Kenth ay dali-dali kong nilapitan si Payne. Nanginginig siya na natataranta na hindi ko malaman. Sa pagmamadali niya ay nahulog ang libro na inaayos niya kanina. Yumuko ako para damputin ito pero meron pang isang kamay ang dumampot dito.
Parang yung sa pelikula lang, ang ipinagkaiba nga lang ay pareho kaming babae.
Umaasa ako na katulad ng sa movie ay may spark sa mga mata namin pero nang mag-angat ako ng tingin ay galit ang aura nito. Hindi rin makikitaan ng ekspresyon ang mga mata nito.
"Payne.." tinaasan niya lang ako ng kilay at tumayo na bitbit ang libro at isinalampak sa lamesa.
"Ma'am.." tinawag kong muli ang atensyon niya at tumingin naman ito sa akin. Deretso sa mga mata.
"Anong maitutulong ko, Ms. Courtney?" maawtoridad na saad nito at matamang nakinig.
Ramdam kong unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya cold.
"Ano bang problema?" tanong ko tapos ay tumingin na lang ako sa mga paa ko. Ayokong salubungin ang mga mata niyang hindi ko alam kung ano ang isinasaad.
"Iyon lang ba ang itatanong mo?" tumango ako nang 'di nag-aangat ng tingin. I feel tensed. "Well, ang alam ko kasi 'pag oras ng klase ay klase. Hindi pakikipaglandian." ang pait ng pagkakasabi nito. Bitter lang teh?
Di ko na napigilan at nag-angat na ako ng tingin. "So 'yon yung tingin mo sa'kin? Malandi? Sorry, ah. Hindi ko alam na panlalandi na palang matatawag ang pakikipag-usap sa taong tumulong sa'yo." hindi ko na kinakaya. Ang sakit niyang magsalita. Tumalikod na ako at nagmamadali na sanang lumabas nang higitin niya ang braso ko.
Na-out balance ako at mabuti na lang at nasalo niya ako. Agad niya akong inidikit sa dingding sa tabi ng pinto at mariing hinalikan.
"Nagseselos ako." sabi niya habang pinupunasan ang mga luhang naglalandas sa mga pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.
Hindi ko in-expect na iyon ang lalabas sa bibig niya. Totoo ba 'to? Ang isang Payne, nagseselos? Hindi ako makapagsalita. Literal na speechless ako.
"Ahm--" hindi na ako nakapagsalita pa dahil siniil na niya ako ng isang halik. Isang napakainit na halik. Ibang iba ito sa mga nauna naming kiss dahil ngayon... Dama kong may halaga ako sa kaniya. Isang halik na may pag-iingat at--pagmamahal? Masyado pang maaga. Masyadong mabilis.
I'm lost in reality. Hinawakan ko siya sa batok at ako na mismo ang nag-initiate na laliman pa ang halik. Siya naman ay ipinulupot ang mga kamay sa bewang ko. Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang bumukas ang pinto.
Agad kong nilingon ang pumasok at literal na nanlaki ang mga mata ko.
"K-Kenth.."
.
.
.
.
"Kukunin ko lang yung libro kong naiwan sa upuan ko." sabi niya at dumiretso sa inupuan niya kanina. Palabas na siya nang bigla uli siyang nagsalita. "At saka nga pala yung panyo ko, isauli mo na."
BINABASA MO ANG
My Seductive Teacher (girlxgirl)
RomanceWhat if mainlove ka sa oh so hot mong teacher? At mafall ka sa pang aakit nito sayo? Pipigilin mo ba dahil alam mong bawal? Kakayanin mo kaya? Handa ng kiligin, matuwa, masaktan at mainis. Click 'Add to Library' if interested. This is a Girl to gi...