Chapter 7.4

3.6K 82 12
                                    

A/N: Hey, rainbows! I'm back! Namiss ko kayo! Na-miss n'yo pa ang "Mayne?". So anyways, itutuloy na naten ang story nila. And I would like to thank each and everyone of you for keeping MST at Rank#9 in the category of "Forbidden". Keep voting ang commenting pampagana. Hehe. So ito na. Enjoy! I love you from the bottom of my rainbow heart😚

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Megan's POV

"Sa'n mo gustong kumain?" Tanong niya.

"Kahit saan. Hindi naman ako masyadong gutom."

"Italian? Mexican food? What?" He asked again.

Naiirita na nga ako sa presensya niya tanong pa siya ng tanong.

"Filipino!" Irita kong sagot dito.

He held his hands up as if surrendering.
"Woah. Chill. Ok sure." He said in defeat.

He's Michael Adams. Nakilala ko sa States nung dinala kami ni Mama doon para ilayo ako sa "kasalanan".

Masakit sa'kin ang lumayo kay Payne lalo pa't ni hindi man lang ako nakapagpaliwanag ng maayos kung bakit at kailan ako aalis. It's been 5 years since then.

Mula nung nakita kong may lalaking naghatid sa kaniya sa school. I was about to talk to her that day na sasama na lang ako sa kaniya at magpapakalayo-layo kami dahil ayokong ilayo ako ni Mama sa kaniya. Pero biglang nagbago ang isip ko nang makita ko 'yon. Was she cheating on me? With a boy--a man, rather. Mukhang foreigner. Gwapo. Hindi kataka-takang ipagpalit ako ni Payne sa kaniya. Tss. Sino lang ba ako? Isang hamak na estudyante niya lang. Kaya imbis na kausapin ko siyang itanan ako'y nag-iwan na lang ako nang note sa table niya at nagpasyang sumama kay Mama sa States. May offer kasi sa kaniyang trabaho do'n at ayaw niya naman kaming iwanan dito nang kami lang ng kapatid ko. Dahil baka "mapariwara" raw ako.

Nung gabing nahuli ako ni mama na inihatid ni Payne sa bahay, hinalikan at sinabihan ng 'I love you' ay siyang mismong gabi na nalaman ko kung bakit grabe ang galit niya sa mga bakla.

Flashback

"Ma, let me explain." Pagsusumamo ko sa aking ina na ngayo'y papasok sa kusina at kumuha ng tubig.

"Explain? Ano pa bang paliwanag ang gusto mong gawin? Pagtakpan iyong nakita ko?! I've seen enough, Domi."

Domi. Matagal ko nang hindi naririnig sa sarili kong ina ang second name ko. This means I'm in real trouble.

"Pero maaaaaaaaa"

Padabog niyang inilapag sa lamesa naming gawa sa Narra ang kaniyang basong pinag-inuman saka dinuro ako.

"Ikaw bata ka! Kaya pala binasted mo 'yong poging si Kenth dahil babae ang gusto mo! Kadiri ka."

Hindi na lamang ako umimik at pinisil ang tungki ng ilong ko. I'm nervous because I'm in a big trouble.

"Mag-impake ka! Pupunta tayong America."

Nanlaki ang mata ko at pinisil muli ang tungki ng ilong ko.

"Mama, wag po!" Lumapit ako sa kaniya at pilit na hinahawakan ang kamay nitong iniiwas niya para sana magmakaawa.

"Paano po 'yung pag-aaral namin ni Ynna? Pa'no tayo mabubuhay do'n? Hindi tayo sanay do'n, ma."

Binaling nito ang tingin sa kanyang kaliwa. "Nag-offer saken ng trabaho ang tita Kristy mo. Hindi ko sana tatanggapin pero dahil do'n sa nakita at nalaman ko ay nagbago na ang isip ko."

"Ma! Ayoko!" 'Di ko na napigilan at napagtaasan ko na ng boses ang sarili kong ina.

"Sa ayaw at sa gusto mo, aalis tayo dito. Ilalayo kita rito at baka mapariwara ka pa ng tuluyan. Nakakadiri kayo! Nakakadiri ka, Dominique!" She looked at me full of disgust and hatred.

Humikbi ako ng ilang beses bago tinignan sa mata ang aking ina.
"Ano ho bang masama sa pagmamahal, ma?! Kahit anong form pa iyan, anong gender. Love is love! Palibhasa kasi iniwan ka ni papa! Bakit ba ayaw mo kong hayaang maging masaya--"

Narindi ako sa lakas ng sampal ni mama sa'kin. Natutulilig 'yong taenga ko. I looked at her while holding my cheeks. All I can see is blurredness due to these stupid tears starting to stream down my aching cheeks.

"Huwag kang magsalita na parang alam mo lahat, Dominique!" Sigaw nito saken. Pinisil ko ang tungki ng ilong ko.

"Ba't 'di mo sabihin sa'kin para alam ko?!" Masama man pero aminado akong hindi ko na ginagalang ang ina ko sa mga oras na ito. But can you blame me?

"Gusto mong malaman?!" Galit na mga mata nito ang ipinukol sa akin.

"Bakla ang ama mo. Iniwan niya tayo para ipagpalit sa lalaki niya." May patak nang luha akong nakita sa kaniyang mga mata ngunit pinunasan niya agad ito para 'di ko makita.

"Ngayon, masisisi mo ba 'ko kung bakit galit ako sa mga tulad ng ama mo?" She looked at me from head to toe. "Mag-ama nga kayo." And then she left me there.

I thought all along iba ang dahilan kung bakit hindi namin kasama si Papa. Sa dami ng teoryang maaaring dahilan kung bakit kami iniwan ni papa ay ito ang sigurado akong totoo.

End of flashback

Kapag iniisip ko kung galit ba 'ko kay Papa... Laging ang sagot ay hindi. Hindi ko naman kasi siya masisisi kung mas pinili niya ang maging masaya sa taong tunay niyang mahal.

Oo, hindi niya mahal si mama dahil arrange marriage lang pala ang nangyari sa kanila. Si mama naman, 'di kalaunan ay na-fall kay papa samantalang ang aking ama ay may mahal na iba.

Love is indeed very complicated. Ang daming complications. May nagmahal na ba na 'di pa nasasaktan? Naiintindihan ko din si mama, e. Nagmahal lang siya pero hindi siya minahal pabalik kaya sobra siyang nasaktan.

Kahit naman ako, e. Gagawin ko din 'yong ginawa ni papa. Sasama ako sa taong mahal ko... pero mukhang may mahal nang iba.

"Were here." Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas na ng sasakyan para makita kung sa'n niya 'ko dinala.

Mang Inasal

..yan ang nakalagay. Yes, I'm back. And I don't know if I can face her when we see each other.

Maiintindihan ko kung magagalit siya dahil bigla na lang akong umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Pero masisisi niya ba 'kong mas piniling lumayo para maging masaya siya sa iba? At this point of my life, I don't know where to put the blame anymore. Shoukd we blame destiny for it?

My Seductive Teacher (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon