Chapter 2

15.4K 287 19
                                    


Megan

Ngayon ay ang first date namin ni Payne at susunduin niya daw ako sa bahay ng 7pm. Nandito kasi ako ngayon sa bahay namin dahil masyadong malayo pag sa condo ko. Ang paalam ko kela Mama ay tutulungan ako ni Payne magreview dahil may report ako sa Monday at ako lang mag isa.

Kasalukuyan akong naghahanap ng damit ng pumasok ang kapatid kong si Ynna.

"Megunh may date ka noh?"

Hindi po siya marunong gumalang sakin kahit na 10 years old palang siya.

"Date ka dyan! May report ako sa Monday noh!"
"Dinahilan mo lang kaya yun!"
"Hindi nga sabi."
"Pasalubong ko ah? Gummy bears!"
"Pasalubong? Ayoko nga."

Tumalikod na ako sa kanya at pumili na ng damit.

"Ate, kung sasabihin mong date yan eh tutulungan kitang mamili ng damit at aayusan pa kita."

Oo, marunong na siya sa fashion. Ngayon nga eh nakasuot siya ng social na nighties. Spoiled kasi siya kay Mommy kaya ang gaganda ng damit niya at marunong rin siyang mag make up, natutunan niya naman yung kay Tito Bert na nasa salon.

"Hmm.. Sige na nga! Pero secret lang ah?"
"Sabi na eh. Isusumbong kita kay Mommy!"

Patakbo na sana ito palabas ng sabihin ko ang magic word.

"Paano yung gummy bears?"

Huminto ito.

"Kukunin ko lang yung make up kit sa baba."

Hahaha! Yes!

Bumalik ito na dala dala ang make up kit at tinulungan niya akong mamili ng damit. Since sa mall lang naman kami, pinili niya ang red see through blouse ko at blue shorts at red heels. Nag apply rin siya ng light make up at kinulot niya yung dulo ng buhok ko. Mukha siyang professional kung mag ayos! Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Wow! Ako ba to?

"Okay ba Megunh?"

Nag thumbs up ako sa kanya at ngumiti.

"10 gummy bears mamaya!"
"Yeheeeeey!"

*BEEEP! BEEEP!*

Oops! Mukhang nandiyan na si Payne sa labas!

Bumaba na ako at nagpaalam kay Mommy sinamahan ako ni Ynna palabas ng bahay.

"M-Megan?!"

Natulala ako sa ayos ni Payne, simple yet classy ang looks nito. Naka black dress ito at white heels. Ang ganda!

"Tigilan niyo nga yan! Mukha kayong mga tae Megunh!"

Naputol ang pagnanasa-- este pagtitig ko kay Payne dahil sa makulit kong kapatid. Panira talaga!

"What's your name baby?"

Maka-baby naman toh! Ang laki na niyang kapatid ko noh! Hindi na yan bata. Akala ko ba ako ang baby mo Payne? Choss! Traydor to eh!

"Ynna."
"Ynna, ang cute mo naman. Ako nga pala si Payne."
"Ingatan mo si Megunh, Pen."

Pen? Pffft! Kahit kailan talaga tong si Ynna eh!

"Payne."
"Pen."

Natawa nalang ito at pinitik si Ynna sa noo.

"Lets go?"

Pinagbuksan niya ako ng car at pumasok naman ako kaagad. Nagbabye na kami kay Ynna at nagdrive na siya. Tahimik lang ang buong byahe, pero hindi awkward. Yung parang peaceful silence lang? Nagkakatinginan kami at nagngingitian lang.

My Seductive Teacher (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon