Chapter 7
Payne's POV
Habang nagmamaneho ay nag-ring ang phone ko na nasa phone handler. Sinagot ko ito at ni-loud speaker.
"Hello.."
"Shania?"
"Yes, Dad?"
"Where are you?"
"Pauwi na po sa condo. Why?"
"I need you to come home tonight. Dito kana rin magpalipas ng gabi."
"P-po?"
"You heard me. Now, do what you're told to do so."
"Okay po. Pero, dadaan muna ako sa condo to get some things I will be needing."
"Okay, make it fast. Bye."
"By---"
Bago pa ko makapagpaalam ay binabaan na ko ng magaling kong ama. Ano na naman kaya ang gusto nitong matandang hukluban na 'to? Alam ko na kung kanino nagmana ng kabastusan si Kenth. Maka-utos ay daig ko pa tagasilbi nila.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Shania. Be home safe." Turan ko sa sarili na may halong pang-aasar. Nakakainis. Kung kausapin niya ako'y parang 'di niya ko anak.
Pagdating ko sa condo ay kumuha na ko ng mga damit na susuotin ko sa trabaho bukas at ilan pang mga pantulog. Dinala ko na din ang mga papeles na gagamitin ko sa school bukas para 'di ko maiwan.
Pagkatapos ay dumiretso na ko sa mansion ng mga Evans. Oo, sila lang. I'm Evans by name but not by heart.
Pagdating ko sa mansion ay maayos na nakahilera sa labas ang mga gwardya namin--nila sa gate. Nakapagtataka pero dumiretso lang ang sasakyan ko hanggang sa main door. Pagbaba ko ng kotse ay may kumuha ng susi ko para iparada ito ng maayos kaya ibinigay ko na lamang.
Without any hesitation and full of confidence, I entered the mansion and there I saw maids are very busy walking back and forth to the dining room. May iilang lumapit sa akin at kinuha ang mga dala kong damit at papeles.
"Ahm.. manang, pakilagay na lang po yung mga gamit ko sa kwarto ko at iyong mga papeles po sa study table." Bilin ko sa mayordoma ng mansion.
"Opo." Simpleng sagot nito at minwestra na ang mga katulong upang alalayan kung saan ilalagay ang mga gamit ko.
"Ms. Payne..." Bago pa ito makaalis ay tinawag muli ako nito.
"Po?"
"Hininihintay kana ng daddy mo sa dining table. Dun kana dumiretso."
Hilaw akong ngumiti, "Opo."
Hindi naman talaga magaan ang loob ko dito sa bahay na 'to eh. Ever since mawala si mommy at nagpuntang states si lola ay ayoko nang mapirmi dito sa mansion. There's just a lot of memories that comes flashing back together with the feelings of longingness for a mother. Hindi lang naman si mommy ang nawala sa 'kin kundi si daddy rin. If I know, mas nauna pang mawala sa 'kin si daddy kesa kay mommy. Kasi kahit buhay pa si mommy n'on ay unti-unti nang lumalayo ang loob ni daddy samin.
Ni wala nga siya nung bumitaw si mommy at 'di na kinaya. Kung nand'on lamang siya...
Kung nand'on lamang siya kahit man lang pakitang-tao; edi sana hindi maagang bumitiw si mommy. Edi sana sumilay sa kaniya ang kaunting pag-asa na mabubuo ulit kami.
Pinunasan ko ang naglalandas na butil ng luha sa gilid ng mga mata ko at inayos ang sarili. I checked muself once in the mirror bago ako tuluyang pumasok sa dining room. Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi. Bahala na. But deep inside, I don't want to be rude so I just faked a smile.
BINABASA MO ANG
My Seductive Teacher (girlxgirl)
RomanceWhat if mainlove ka sa oh so hot mong teacher? At mafall ka sa pang aakit nito sayo? Pipigilin mo ba dahil alam mong bawal? Kakayanin mo kaya? Handa ng kiligin, matuwa, masaktan at mainis. Click 'Add to Library' if interested. This is a Girl to gi...