"Thank you, Ms. Courtney."
Sabi ni Payne sakin bago ako naupo sa upuan ko. Katatapos ko lang magreport at maayos naman kahit na hindi kami masyadong nakapagreview noong dapat ay irereview niya ako dahil... ehem... Alam nyo na.
Ngumiti lang ako saka naupo na sa upuan ko.
"Ok, we have a project to make for this quarter." Halos lahat ng classmates ko ay umangal nang marinig nila iyon mula kay Payne. Pero dedma lang ako at nagpatuloy na siya.
"By partners ito kaya maghanap na kayo ng mamakapreha ninyo."
Luminga ako sa paligid para makahanap ng partner pero halos lahat sila ay may kapareho na. Ang mga natira lang na wala pang partner ay ang mga mean girls and hell no, di ako makikipagpartner sa kanila.
Hmmm, mukhang wala na naman akong kapartner. Mukhang ako na naman mag isa. Mukhang mahihirapan na naman ako-
"Excuse me, Ms. Payne. Nasa tamang room po ba ako?"
Nilingon ng buong klase kung sino man iyong kumatok. Isang lalaking pamilyar sa akin. Pero di ko maalala kung saan ko ba siya nakita.
"Yes, nasa tamang room ka. Humanap ka na ng mauupuan." Saad ni Payne n
a may bakas ng coldness sa mga boses nito at di makikitaan ng kahit na anong ekspresyon sa mukha. Parang dumilim ang aura nito na agad namang nawala.
Tumango lang ang lalaki at naghanap na ng mauupuan. Tumingin ito sa paligid at napunta sa gawi ko ang paningin nito.
Napatingin ako sa tabi ko at iyon na lamang pala ang bakanteng upuan sa buong kwarto. Obviously, ang transferee ang magiging partner ko. Sana mabait siya.
"Since may transferee ay lahat kayo may magiging partner." Sabi ni Payne at malamig na tumingin sa direksyon ko. Kumunot ang noo ko, bakit ako? Anong ginawa ko?
Nang mapansin niya ang pag-iba ng ekspresyon ko ay tumikhim ito at tumingin sa ibang dako ng kwarto.
"Walang reason para sa inyo para hindi niyo magawa ang ipagagawa ko. The deadline would be next week."
Sa buong discussion ni Payne ay tulala lang ako at wala sa wisyo na nakinig sa kanya. Patuloy pa din siya sa cold na pagpapaliwanag niya. Ano bang nangyayari dito sa babaeng to?
"Hey!" rinig kong tawag ng katabi ko. Nilingon ko sya at tinaasan ko ng isang kilay. Talagang pamilyar siya sakin eh.
"Have we met before?... You seem really familiar.." Sabi ko na ikinatawa lang niya."
"Anong nakakatawa?"
"Wala naman. Di mo lang talaga ako maaalala dahil madilim sa lugar kung san nakilala mo ko."
"What do you mean?"
"I'm Kenth. Yung nagpahiram sa iyo ng panyo nung mag-isa kang umiiyak."
Nanlaki ang mga mata ko sa naalala ko. Oo nga pala, siya yun. Nakakahiya naman. Hindi ko pa naisasauli ang panyo niya.
Ngumiti ako. "Yung panyo mo pala, isasauli ko na lang bukas. Nalabhan ko na iyon!"
Bahagya lang siyang tumawa at inayos ang mahaba-haba niyang buhok na tumatabing na sa mga mata niya.
"Okay lang yon. Kahit wag na."
"Nakakahiya naman sayo."
"Don't be shy. It's nothing. I'm glad to help."
Nginitian ko ulit siya at binaling sa harap ang atensyon pero isang pares ng nagbabagang mata ang sumalubong sa tingin ko. Payne.
...
...
...
"Class dismissed."
Okay, anong nangyayari?
BINABASA MO ANG
My Seductive Teacher (girlxgirl)
RomanceWhat if mainlove ka sa oh so hot mong teacher? At mafall ka sa pang aakit nito sayo? Pipigilin mo ba dahil alam mong bawal? Kakayanin mo kaya? Handa ng kiligin, matuwa, masaktan at mainis. Click 'Add to Library' if interested. This is a Girl to gi...