Chapter 5.2

6.7K 141 6
                                    

After class, dumiretso na ko sa Canteen. Nagtext kasi sa'kin si Victoria na namimiss na daw niya ako dahil ilang linggo na daw kaming hindi nagkikita.

Kunsabagay, namimiss ko na din siya. Siya lang kasi yung madalas ko kasama, e. Isa po kasi akong dakilang loner.

"BEEEEES!" tili nito nang makalapit ako sa kaniya sa lamesang inuupuan niya.

"Kamusta na? Blooming ka, ah! In love ka noh?" tanong nito na s'yang kinagulat ko.

"H-huh? Bakit mo naman nasabi? H-hindi, ah." pagtatanggi ko saka nakikain sa pagkain niya. Ang daming pagkain na nakalagay sa harap niya. Ano ba 'to, bibitayin? Napakatakaw talaga.

"Naku-naku! Don't me. Ayan, oh. Halata sayo, tih! Namumula ka pa d'yan! Ha! Naglilihim kana sa'kin, ah. Sige ganyan ka sakin." duro nito sa'kin. "Okay lang ako, Megan. OKAY LANG AKO." sarkastikong dagdag nito

"Luh? Kelan ka pa natutong magsalita ng ganiyan? Nakarating ka bang mars at ganiyan kana magsalita? May pa don't me-don't me ka pang nalalaman." pag-iiba ko ng topic. Sana naman gumana.

"Uso kasi lumabas ng kweba, teh! Try mo din minsan i-explore ang world. Hindi yung puro ka pagbabasa ng libro, sa susunod ipapakasal ko na kayo ng mga libro mo. Lagi kitang nakikitang nakatambay sa library. Kung di naman sa garden kasama si Ms. Evans. Kuh!"

Ang totoo niyan, si Victoria po talaga 'yung nanay ko eh. Ayan oh! Nakasermon ng bongga!

"H-huh?"

"Ano palang ginagawa mo dun sa garden kasama si Ms. Evans?" kyuryosong tanong nito.


"Huh? A-ah, wala.. Wala 'yun. Nagkataon lang siguro. Hehe" Sana naman hindi na siya magtanong pa. Chismosa pa naman 'tong bruhildang ito. Hay naku. 

"Bes, namiss kitaaaaa!" biglang bago naman ng mood nito. Baliw talaga. 

"Alam mo, gutom lang yan, eh. Kumain kana ba?"

"So ayun na nga, kumain na tayo. Gutom lang to."

Kumain na kami, nagkwentuhan. Tapos pumasok na siya sa classroom nila. 

Ako naman medyo nag-ikot-ikot muna. May 30 mins pa naman ako bago mag-start ang next class ko. Naglakad-lakad lang ako sa field then napadaan ako sa isang iskinita na pinagtataniman ng mga tulips. 

Tahimik lang akong nakatayo dun habang pinagmamasdan yung mga bulaklak. 

"OK lang ba?" 

Nilingon ko yung nagsalita. Nakatayo na ngayon sa tabi ko si Kenth na nakatitig din sa mga bulaklak. 

"Hmm? Na ano?"

"Na samahan kita dito."

"Ok lang naman." 

Bahagya siyang ngumiti na tila nagustuhan ang isinagot ko. 

"Ang gaganda nila, noh?" Puri niya.

"Oo, sobra." Sagot ko.

"Kasing ganda mo."

"Huh?" tanong ko ulit. Hindi ko kasi narinig, ang hina ng pagkakasabi niya.

"Ah, wala naman. Bakit nag-iisa ka dito?"

"Wala eh. vacant ko. Ayoko namang magstay sa canteen."

"Ah, eh sa library. ayaw mo din?"

umiling ako bilang sagot. 

"Anong meron sa inyo ni Payne? Kayo ba?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Kami nga ba? 

Kung titimbangin, walang kami. Hindi naman siya nanligaw officially at hindi ko din naman siya sinagot talaga. Basta isang araw nagising na lang ako, mahal ko na siya at ganito na yung turingan namin. 

"Hindi ko din alam, eh." 

tumikhim muna siya bago sumagot. "So, hindi kayo?"

"I-I guess." pag-aalangan na sagot ko. "M.U siguro."

"Alam mong mali, diba? Bawal yun." 

"Alam ko." sagot ko. tumingin ako sa kaniya. "Isusumbong mo ba kami?"

Umiling siya. Bahagya siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

"Basta pag sinaktan ka niya, nandito lang ako." 

"Anong ibig mong sabihin." 

"One day, you'll know." 

Ngumiti na lang ako. Siguro nga, baka one day. Hindi natin alam. baka mag-iba ang ihip ng hangin. 

"Samahan mo ko."

"San tayo pupunta?" tanong ko nang bahaga niya akong hilahin hawak ang kamay ko.

"mag-iikot-ikot. Masyadong tirik ang araw dito. Silong muna tayo."

Tumango lang ako saka sumama sa kaniya. Go with the flow lang. ok lang naman eh.

Umupo kami sa ilalim ng puno sa tapat ng foutain. Lumapit  pa siya  sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

Naghintay lang ako ng gagawin niya hanggang sa....




"Megan, gusto kita. Gustong-gusto kita. Matagal na kitang tinatanaw mula sa malayo kaya di ko na papalampasin to. Gusto kita, Megan. Pwede ba kitang maligawan?"



------------------------------------------------

A/N: 

Nag-update na ko, sorry kung maiksi, ah. Sorry na agad. Kalma. Pinagbigyan ko langtalaga yung mga naatat na. Baka matagalan pa kasi bago ako mag-update  ulit. hirap kasi ako sa device. awala kasi yung phone ko. Mas sanay kasi akong magtype sa phone kesa sa laptop. Anyways, goodluck sa mga finals nyo/natin. Ipasa ang mga dapat ipasa. And I need your help. Please like the facebook page of " Philippine Dance Cup " Then sa mga photos na pinost nila about sa mga magko-compete sa March 18, please like and share nyo po yung photo ng JOIN THE CREW. Please follow the instructions. Ayun po yung kinaaabalahan ko ngayon. need ko ng support nyo. promise pag nanalo kami dun, mag-wa-wan to sawa ako sa pag-update. So please, I'm gonna keep my promise guys. please support JTC. God bless.

My Seductive Teacher (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon