Chazandra
Gubat.
Punong puno ng mga taong walang malay.
Mga lobo at iba't ibang halimaw na sinasaktan ang mga tao na pilit silang nilalabanan at parang hinihigop nila ang enerhiya na galing sa mga Zodiac people, they're shouting, shouting for help.
The scene changed.
I saw a man, wearing a bloody black cloak it looks like he killed someone right at this moment.
Lumingon siya sakin ang lalaking may suot ng cloak, hindi ko makita ng maayos ang itsura niya dahil nakahood ito ang mga mata lang neto ang kita ko dahil pulang pula ito bigla naman akong nanigas sa takot dahil papalapit ito ng palapit sakin paatras naman akong ng paatras hangga't sa..
"The heir *smirks* is back"
"HOY CHAZANDRA! GISING! NAMUMUTLA KA ANONG NANGYARE SAYO?!" Bulyaw sakin ng isang babaeng nasa paligid, napabangon naman ako may tumutulo namang pawis sa noo ko kaya pinunasan ko naman iyon, panaginip lang yun Chazandra panaginip lang pero parang totoo.
"Okay ka lang ba Zandra?" Kiesha na halatang nagaalala.
"A-Ahh o-okay lang ako masamang panaginip lang" sabay ngumiti ng pilit para hindi na siya magalala, sino yung sinasabi niyang Heir? Sinong nagbalik?
Mukhang hindi siya satisfied sa sagot ko dahil mukhang nagaalala pa rin siya nagulat naman ako nung ngumiti siya.
"It's just a bad dream Chazandra! Tayo na tayo naaa! You better get ready! May pasok tayo!" sigaw niya habang tinutulak tulak niya ko papasok ng banyo, seriously itong babaeng to ang lakas din ng mood swings kanina nagaalala ngayon parang batang nagmamadali.
"Okay, okay chill!" Ako habang natatawa.
Napalingon naman ako sakanya atsaka ko lang napansin na nakasuot siya ng full black uniform sa right side ng blouse may pocket, may necktie na white din na may nakaburdang Z sa baba at ang palda naman ay flowy na above knee length, ang ganda tignan sakanya.
"Faster ha? Hihintayin kita sa labas kakain pa tayo sa cafeteria di pa tayo nagbrebreakfast!" Kiesha.
"Okay okay eto na nga eh" ako.
Pumasok na ko sa banyo baka magalit si Kiesha pagpinagantay ko ang lakas pa man din ng mood swings non tapos na kong maligo pinatuyo ko naman ang mahaba kong puting buhok, sinuot ko ang uniform ko pati ang black shoes ko at syempre pati na yung kwintas na ibinigay sakin ni master.
Bakit ba kailangan kong isuot to? Bakit ba ko nananaginip ng ganon? Ano ba ang special element na iyon? Bakit ba ko naghahanda? Ugh para ng sasabog utak ko sa dami ng tanong!
Kinuha ko nalang yung sling bag ko na may lamang gamit para sa school may note book dito at isang kakaibang lapis na sa pinakadulo nito ay naiikot na pwedeng maging lapis at ball pen sobrang cool!
Lumabas na ko ng dorm atsaka ko muling nakita si Kiesha, nagantay talaga siya bigla namang nanlaki ang mata niya nung makita niya kong naglalakad papalapit sakanya.
"Chazandra grabe ang ganda ganda mo kahit simple lang! Kabog na kabog mo si Margarette!" bulong na sabi niya sakin sa parte ng Margarette na word, napangiti siya sakin at mukhang nag twi-twinkle twinkle pa ang mga mata niya.
Napatawa nalang ako sakanya alam ko namang nagbibiro lang siya "Teka sinong Margarette?"
Nanlaki naman ang mga mata niya na parang nakakita ng multo sa likod ko.
"C-Chazandraa huhu.." nanginginig na sabi ni Kiesha.
"Bakit?"
Napalingon ako sa likod nagulat ako nung may nakita naman akong babaeng pulang pula ang buhok na kasing kapal ng lipstick niyang red, nakasuot rin siya ng suot naming uniform ni Kiesha may kasama siyang dalawang babae na magkamukhang kamukha siguro kambal sila may itim silang buhok at light blue na highlights nakataas ang kilay nila tinignan ko ulit si red girl at nakita kong nakataas din ang kilay niya.
"Sino ka?! How dare you speak my name?!"
Siya siguro si Margarette anong mali sa sinabi ko? Mukha siyang galit magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Kiesha.
"M-Ms. M bago lang po si Zandra dito kaya po hindi niya pa alam" nanginginig na sabi ni Kiesha, hindi alam ang alin?
Tinignan ako nung Margarette from head to toe tas tinignan ulit ang mata ko bakit parang ang hirap huminga?
"Lucky you, next time na sasabihin mo yon hindi na ko magdadalawang isip pa na guluhin ang buhay mo" banta niya sakin.
Umalis naman silang tatlo at naiwan kami ni Kiesha na tulala, huminga naman siya ng malalim pati na rin ako.
"Bakit ganon? Ano bang mali ang ginawa ko? Bakit niya ko guguluhin?" tanong ko na nagtataka.
Humarap naman sakin si Kiesha atsaka ngumiti parang kanina lang nanginginig siya sa takot.
"Siya ang reyna reynahan sa school na ito nasusunod lahat ng gusto niya at bawal siyang tawagin sa mismong pangalan niya hindi namin alam kung bakit pero for sure mga ka-close niya lang ang pwede kaya Ms. M ang itatawag natin sakanya, last time nung may tumawag sakanya non na hindi niya kilala nagalit siya at sinampal niya ang babaeng iyon sa harap ng maraming estudyante"
Itinatak ko sa isip ko na hinding hindi ko siya tatawagin sa pangalang iyon pero bakit maayos naman ah? Kawawa naman yung babaeng nasampal niya.
"Hay tara na? Nagugutom na talaga ako eh" sabay himas ni Kiesha sa tiyan niya kaya natawa naman ako don.
"Tara" sabay ngiti ko sakanya at nagsimula kaming naglakad papuntang cafeteria tinuturo turo niya rin ang iba't ibang parte sa University na nadadaanan namin yung library yung mga rooms, faculty office, para hindi ako masyadong malito sa lugar.
Malapit na kami sa cafeteria pagkapasok namin maraming mga estudyante doon na nagbrebreakfast palang din, umalis si Kiesha dahil siya na daw muna ang bibili ng breakfast namin treat niya, naghahanap naman ako ng table namin nung bigla namang may bumangga sakin sa likod at napatumba ako sa sahig.
"Aray ko po!" ang sakit sa pwet ha bwiset naman!
"Watch where you're going stupid!"
Narinig kong may sumigaw sa harap ko. Aba aba! Siya na nga tong nakabangga sakin siya pa may karapatang tawagin akong stupid! Hindi man lang ako tinulungan!
Tumayo ako at kahit masakit hinarap ko siya.
Nanlaki ang dalawang mata ko nung makita ko siya, yung mga green niyang mata at ang dark blue highlights sa buhok niya.
"IKAW?!" sabay naming sabi.
**
A/N:
Yah! Hahaha pabitin author here haha sorry na :p sino kaya yung mystery guy? haahaha sa may katanungan magtanong hahaha hit that star nigguhs!
-diwata
YOU ARE READING
Heir Of Zonadia [COMPLETED]
Viễn tưởng| TAGLISH | Chazandra Miracle is a special girl who was being trained by her Master Almada in the restricted areas of Zonadia. She doesn't know anything about her past or any of her parents. Her Master has been keeping many secrets from her. One day...