Part 37

5.6K 158 15
                                    

Sorry sa drawing guys HAHAHA!

*****

Chazandra

"Growl growl growl"

Napangiti naman ako nung marinig iyon malayo palang ay alam na ni Sky na papunta ako kaya sinalubong niya ko.

"Hi Sky kamusta ka na?" pinat ko naman ang ulo niya nakakatuwa kasi parang nakikita ko ang mga mata ko sakanya, naglakad na kami papunta sa tambayan nila ni Zhyron.

"Growl growl" Sky.

Mas lumawak naman ang ngiti ko, ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa lobong to.

Naisipan ko lang na pumunta dito para makapagisip isip ako ang dami ko na talagang iniisip kada araw na parang may nararamdaman akong may mangyayareng masama sa mga susunod pa na araw hays nakakabaliw! Simula nung makapasok ako dito sa school nato ang daming nangyayare na feeling ko sakin lahat ito nakakonekta..

Naglakad lakad ako hanggang sa makapunta ako doon sa lugar kung saan namatay si Ariana Dale.

"You know.. you really look stupid"

Napatili naman ako bigla at napalingon sa nilalang na nanggulat.

"Ikaw nanaman! Bakit ka nandito? Bakit mo ba ko sinusundan!?" sabi ko naman habang tinuturo turo siya. Buti nalang at hindi ko naisipang gamitin ang element ko sakanya. Ang bilis naman ata ng usapan nila ni Head?

Poker face pa din siya tas nagsalita "For your information this is my place, ikaw nga dapat ang tanungin ko kung bakit ka nandito"

Bigla naman akong natigilan tama nga siya sakanya to, naalala ko nanaman ang mga pinagiisip ko kanina naguguluhan na ko kahit pa hanapin ko ang mga sagot parang mas dumadami lang ang mga tanong sa isip ko.

"Right.. I-I.. I don't know why I'm here either siguro binibisita ko lang si Sky" hindi ko din sure na sagot sakanya.

Nagulat naman ako nung bigla akong iniharap ni Zhyron sakanya nanlaki naman ang mga mata ko dahil sobrang lapit namin sa isa't isa nakatitig lang ang mga mata niyang green sa sky blue kong mga mata na parang ang daming sinasabi.

"Z-Zhyron?.." nagtataka kong tawag.

Inilagay niya naman ang dalawang kamay niya sa pisnge ko naramdaman ko naman doon ang paggising ng mga kuryente sa katawan ko na parang pinapasahan niya ko ng energy pero nakakapanghina. What is he doing?

"Chazandra.." inilagay niya naman ang daliri niya sa labi ko pinilit niyang pinorma iyon para kunware nakangiti ako.

"D-Don't frown.. it hurts to see" sabi niya na nakatingin sa mga mata ko atsaka iyon bumaba sa labi.

Lubdub.Lubdub.Lubdub.

Bigla niya naman akong binitawan at umalis iniwan akong gulong gulo. Napahawak naman ako sa dibdib kasi ang bilis ng tibok nito.

What was that? O.o

Bumalik naman akong dorm nagtataka pa din kay Zhyron ang lakas naman ng mood swing ng abnoy na yon kung ano ano sinasabi!

"D-Don't frown.. it hurts to see"

Lubdub.Lubdub.Lubdub

Kainis! Dagdag sa isipin!

"Oh Zandra anyare? Mukhang nilampaso ka ng langit at lupa sa itsura mo" sabay tawa naman ni Kiesha na parang kilig na kilig sa hawak niyang teddy bear.

Oo araw araw may nagpapadala ng teddy bear or rosas sa kwarto namin para kay Kiesha tinamaan din siguro ng sobra si Tyron dito.

Napailing nalang ako at kinuha ang mga papeles na nakuha namin sa library.

Heir Of Zonadia [COMPLETED]Where stories live. Discover now