Part 17

7.2K 240 18
                                    

Chazandra

Ugh ang sakit ng ulo ko T^T teka bakit parang may malambot na bagay sa bibig ko? Weird amp.

Dinilat ko naman ang mga mata ko at nakita kong puro puti ang nasa paligid siguro nasa clinic nanaman ako bigla ko namang naalala yung nangyare sakin kanina I thought I was already dead because I was crushed by that big ball of ice but back there I heard a voice.

FLASHBACK

Nasa langit na ata ako.

"Miracle"

"Miracle"

May anghel na tumatawag sakin ihahatid na ata ako sa langit.

"Miracle"

Ugh paulit ulit!? Teka nga sino ba yon?

"Miracle anak wake up"

Onti onting bumukas ang mga mata ko nung marining ko ang salitang anak, a sweet gentle voice calling me.

"Wake up dear they're all waiting for you"

Binukas ko naman ang mga mata ko, nakita ko namang nasa isang puting lugar ako na maraming mga sparkle sparkles na lumulutang sa paligid or maybe stars? Whatever hindi ko alam basta and there's a figure of two people standing right in front of me I can't see their faces nakakasilaw kasi ng sobra yung liwanag.

"I-I don't know who's waiting.. why are they waiting? Wait.. Am I dead?"  tanong ko naman na parang umeecho pa sa paligid ang boses ko.

Tumawa naman sila na hindi ko alam kung bakit "You'll figure it out my dear, you will know it soon"

"Wait.. Teka.." lalapitan ko na sana sila kaso bigla nalang lumiwanag ulit ng sobra.

END OF FLASHBACK

Then suddenly all lights surrounded me and then I'm here inside this clinic hindi pa pala ako patay sino kaya sila?

Teka paano ba ko napunta dito sino ba ang naghatid sakin?

Hmm

Hmm

Hmm

Bigla naman akong nakarinig ng ingay sa paligid mukhang may nahulog na bagay teka ako lang naman nandito ah?

Napabangon naman ako atsaka napalingon sa gilid bigla namang bumilog ang mga mata ko sa nakita ko hindi ko inaasahang nandito siya nakakapagtaka.

"Z-Zhyron? Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"  nagtatakang tanong ko sakanya.

Lumingon naman siya sakin tinignan niya lang ako na parang frustrated? Sira ulo ba to? Pabukas na sana yung bibig niya para magsalita nung--

"ZANDRAA! WAA-- WOO FINALLY GISING KA NA!" may isang babaeng padabog na binuksan ang pinto at tumakbo papunta sakin.

"Waa Zandraa T^T" Kiesha habang niyayakap ako.

"Uekk.. Teka.. Uekk kie-sha nasasakal akoo!"

Humiwalay naman siya sa pagkakayakap niya sakin atsaka tumawa.

Heir Of Zonadia [COMPLETED]Where stories live. Discover now