Part 2

13.5K 357 30
                                    

Chazandra

Your people and world needs you.

Your people and world needs you.

Your people and world needs you.

ANOO BAAAA! DI NA KO MAKATULOG KAKAREPLAY SA UTAK KO NG MGA SALITANG YAN! HAYS!

Hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan ako ng mundo pati ng mga tao? Nakakabaliw pagwala kang alam geez..

Bakit ba kasi hindi nalang nila sabihin sakin? Wala namang mawawala atleast maiintindihan ko kung para saan lahat ang paghahanda kong to hays.

Sino ba ako talaga? Sino ba ko?

Chazandra Miracle. Yan ang pangalan ko weird diba? Wala akong surname ano ba nakakabaliw! Pagulong gulong nalang ako sa kama hindi pa rin talaga ako makatulog.

Okay lang kaya si Lolo? Di niya sinabi ang nangyare sakanya kanina sana ayos na siya.

Oo Lolo, kasi ama siya ng ama ko sa pagkakaalam ko lang yan pero di ko sure. Diba ang gulo lang? Pero ang sabi niya sakin Master ang itawag ko sakanya.

Teka nga anong oras na ba? Takte naman kasi hindi ko malaman kung umaga, gabi o hapon. Paano ang langit lagi nalang kulay violet, lavander o kaya purple psh.

Napalingon ako sa wrist ko. I don't know if it's a tattoo or what basta may nakatatak na "Z" doon iniisip ko nga anong meron ba sa Z? Saka kay Lolo naman figure ng hangin lang ang nakatatak. Di ko rin alam kung bakit may ganon. Powtek na yan wala talaga akong alam!

Napabuntong hininga na lang ako.

Naisipan ko nalang matulog para nalang din makaipon ako ng lakas at dahil magsasanay kami ni Master bukas.

Onti onting bumibigat ang mga talukap ko at tuluyan na kong nakatulog.

**

Takbo, takbo, takbo lang ako ng takbo..

Hinahabol ako ng mga lobo napalingon ako sa likod at nakikita kong nandoon pa din sila tumatakbo palapit sakin, mga lobong itim na doble ang laki kesa sa normal na lobo lang, pulang pula ang mga mata nila at sa bandang leeg nila may umiilaw dito na figure na hindi ko alam kung ano, bilog na may pahaba at pataas na guhit na lagpas sa labas ng ng bilog.

Napatigil ako nung wala na kong matakbuhan napalingon ako sakanila anong gagawin ko! Hingal na hingal na ako, malapit na sila. Isip Zandra isip!

Uhmm

Uhmm

Uhmm

Napahawak ako sa noo ko at sabay sinabing "Shit Zandra! Meron kang element power! Bakit hindi mo naisip yon tsk!" pangaral ko sa sarili.

Agad kong inihanda ang sarili ko nasa harapan ko na sila para silang mga predator na nahanap at nacorner na ang prey nila kung maglaway.

Pinadyak ko ang paa ko at kusang gumalaw ang lupa na tinatapakan namin.

"Divergent!" sigaw ko.

Bigla namang naghiwalay ang lupa at nailayo ang mga lobo sakin.

"RRRsRgroowll!" Sabi ng mga lobo na parang galit na galit.

Bigla naman akong nakulong sa isang madilim na lugar at nakikita ko lahat ng taong nakahandusay sa lupa bukas mata at wala ng mga malay.

"A-Anong n-nangyari?"

Nilapitan ko ang isang taong malapit sakin hinawakan ko ang kamay nito malamig na, patay na siya. Napapunas ako sa pisnge ko may luha. May napansin naman ako sa bandang wrist niya na nakatatak, pati narin sa ibang mga patay na malapit sakin lahat magkakapareha yung simbolong yon... Yun ang simbolo na nakita ko sa leeg ng mga lobo.

Heir Of Zonadia [COMPLETED]Where stories live. Discover now