5

99 7 0
                                    

Theme Park

"Whhaaahh Chimby mas maganda kapag gabi." namamangha kong sabi kay Jimin.

Yung mga ilaw kasi ang ganda, tapos hindi naman ganun kadami yung tao dito.

"Mag eenjoy tayo ngayong gabi. Hindi ka malulungkot." tapos nag smile na sakin.

Una kami sumakay sa mga rides, yung tuwang tuwa kami parehas. Punta kami sa roller coaster, hahaha halos sumuko si Jimin.

"Nooooo!!! Hindi Kristal, not this time." ayaw nya sumakay sa roller coaster.

"Hoy Chimby sabi mo hindi ako malulungkot at mag eenjoy ako nga....." pagputol nya sa sinasabi ko..

"...sa ganito ka ba masaya? Ang pasakayin ako sa pinaka ayaw kong rides? Hindi ako sasakay dyan" sambit nya na halos maluha luha.

"Ayaw mo ba? Eh di sige ako na lang." tapos napatingin ako sa may pinaka unang upuan at may lalaking nakaupo dun.

"Oh my goshh dun na lang ako sa tabi ni Kuya." sabi ko. Napatingin naman si Jimin.

Tapos kini-criticize nya yung lalaki. Nagulat ako ng hilahin nya ako.

"Tara dun tayo sa iba." Aba at sumakay pa kami dun sa upuan sa likuran ni kuya.

"Oh akala ko ba hindi ka sasakay?" tapos taas kilay.

"Tss wala akong sinabi." ayy naku nag deny pa sya oh.

"Sinabi mo pa nga.. Hindi ako sasakay dyan.. Ohh!!" pang gagaya ko sakanya.

"Hindi ko alam pinagsasabi mo. Sino ba kausap mo?" lol Jimin pakers.

"Sus!! Selos ka ba?" tapos tumingin ako ng nakakaloko.

"Hoyy asa, saan ako magseselos? Dito sa lalaki?..." tinuro nya yung inuupuan ni Kuya sa harapan namin.

"..asa mas hot pa ako dyan tsaka kampante ako na ako lang mahal mo." owemjii ang sweet ng Chimby ko.

"Kaya pala napasakay ka bigla..." tapos hinawakan ko mukha nya..

"..don't me!! Mukha mo!!"

"Gwapo!!" singit nya.

Tapos nag smile lang ako. Ang sweet ni Jimin talagang bumabawi nga sya sakin. Sheemmsss kinikilig naman ako. Mayamaya lumapit na yung crew samin at inayos yung mga belt namin.

"Nakapikit ka dyan?" tanong ko kay Jimin.

Let me explain this, pumikit po sya agad pero hindi pa nagstart yung engine kaloka diba? Masyado syang takot ganun ba yun? Tsk akala ko si Hoseok lang hahaha sya din pala.

Nagstart na umandar yung coaster. At ito na narinig ko kay Jimin.

"Whhaahh noooo!!? Asdfghjkl dstvidjsdu @%%*(%((=%+*/()) whaaahhhh!!" wala pa nga yung climax nakapag alien talk na agad sya.

Hinawakan ko kamay nya para naman kahit papaano macomfort ko sya. Halatang pinilit lang ni Jimin na sumakay dito para sakin, bumabawi nga talaga sya.









Thank you talaga Chimby. Nandito na kami sa tapat ng bahay, umuwi na kami dahil masyado na gabi at tsaka magsasara na yung theme park.

"Sabi ko naman sayo magiging masaya ka." tapos nag smile sya sakin.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon