18

88 10 11
                                    

Sunday morning, hindi ko alam susuotin ko tapos natataranta din ako kasi naman makikita ko na si Jen at ang anak namin. Masayang masaya ako, walang mapaglagyan ang tuwa ko.

"Jimin hyung. Kiti-kiti ka na nga kilos kiti-kiti ka pa hahaha!" Pang aasar ni Jungkook.

"Wag ka nga! Ang aga-aga ha? Tsaka masaya ako, wag kang mang asar dyan." Sumbat ko.

Naramdaman ko na lang ang paglabas ni Jungkook ng room. Patuloy ako sa paghahanap ng damit na susuotin ko. Ano ba kasi ang dapat? Naguguluhan ako. Madami naman ako damit pero wala ako mapili na pwede ko suotin.

"Jimin!" Pagtawag ni Jin hyung.

Napalingon naman ako sakanya tapos nag sad face pero yung cute pa din.

"Hyung" sambit ko.

"Pumili ka ng damit kung saan ka komportable at kung saan ka magmumukhang kagalang galang na ama para sa anak mo."

Tama si Jin hyung ganun nga gagawin ko. Gusto ko naman na patunayan kay Jen na magiging mabuting ama ako sa anak namin.

"Salamat, hyung!" Tapos niyakap ko sya.

"Mga taksil!" Nagulat ako sa nagsalita.

Napatingin ako sa may pintuan at kung sino yung nagsalita. Si Lyka pala.

"Babe, sorry!" Panimula ni Jin hyung.

"Luh! Sorry your face bakla ka!" After nun nag walk out sya.

"Babe!" Sigaw ni Jin hyung at sinundan si Lyka.

Hahaha patawa talaga sila. Magbibihis na ako baka ma-late pa ako sa usapan namin ni Jen, ayoko din silang maghintay pa.

Nagmdali na ako mag ayos ng sarili isinuot ko ang damit na komportable ako at mukhang kagalang galang sa harap ng anak ko. Tulad ng sabi ni Jin hyung. Pagkatapos ay nagpunta na ako sa meeting place namin pero wala pa sila dahil hindi ko pa nakikita si Jen. Naupo muna ako at naghintay sa pagdating nila. Kaya ko silang hintayin kahit gaano pa katagal, basta hindi ako aalis dito hanggang sa hindi ko sila nakikita.

Isang oras nakalipas pero wala pa sila, hindi pa din ako aalis dahil hihintayin ko pa din ang mag ina ko.

"Excuse me, sir. May I take your order?"

"Mamaya na, wala pa kasi yung kasama ko." Sabi ko dun sa waiter.

"Pero sir madami na pong customer."

Napaisip ako bigla. Tumayo ako at lumabas na ng restaurant. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nagpunta. Niloko lang ba ako ni Jen? Wala akong maisip talaga! Naiinis ako! Pinaasa ako ni Jen!

"Kainis!" Tapos sinipa ko yung bottle.

"Aray!" Napatingin ako sa tinamaan ko ng bote.

Nagulat ako nang makita ko kung sino yun. Natulala ako sa ganda nya, ang mukha nya hindi nagbago. Ang bilugan nyang mata, ang matangos nyang ilong at ang maliit at mapupula nyang labi.

"Haha joke lang, bakit umalis ka sa restaurant?" Sambit nya.

Nakatingin pa din ako sakanya, hindi ko manlang kaya alisin ang pagkakatitig sa mukha nya.

"Jimin! Huuy!" Sabi nya.

"A-ah J-jen!?" Nauutal kong sambit.

"Jimin talaga oh. Hahaha! Wag ka na matulala dyan, alam ko naman na maganda talaga ako." Nakakabighani talaga.

"S-sorry. Ang tagal ko kasi hindi napagmasdan mga mukha mo."

"Bola pa! Never mo naman ako pinagmasdan noon." Sagot nya.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon