10

95 7 0
                                    

Alam kong morning na dahil yung sikat ng araw tumatama na sa mata ko, nakakasilaw kahit nakapikit pa ako. Tinatamad pa ako tumayo pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako. Ang dami kaya nangyari kahapon at tsaka puyat ako siguro 2am na yata kami natapos ni Taehyung mag inuman. Hindi naman yun totally na inom yung laklak talaga. Tig-isang bote lang kami tsaka light beer lang yun.

Ilang saglit lang may pumasok sa kwarto syempre tinatamad ako tingnan kasi alam ko naman na si Lyka lang yun. Tapos umupo pa sa tabi ko at hinawi yung buhok ko sa may forehead. Wait!! Hindi si Lyka ito, alangan naman gawin nya sakin yun. Never!!!

"Gising na." ang boses na yun.

Dahan dahan ko iminulat ang mata ko at isang gwapong alien ang nakita ko. Naka smile sya sakin, yung smile nya tuwang tuwa talaga.

"V??" mahinang sambit ko.

"Tara swimming na tayo. Bangon ka na dyan." sabi nya at ngumiti ullit sya.

Dahil tinatamad pa ako tumayo agad ko sya hinatak at yung ang dahilan ng pagbagsak ng alien hahahahaha.

"T-teka Kristal h-hindi ako m-makahinga bita...wan mo a-ako!!" naka pulupot kasi yung bisig ko sa leeg nya.

"Hahahaha Kim Taehyung I'm the best!!" at pagmamalaki ko sa sarili ko.

Tapos parang kanina lang nagpupumiglas si Taehyung pero ngayon parang hindi na. Hala!! Unti unti ko niluwagan yung pagkakapulopot ng bisig ko sa leeg nya at tiningnan sya.

"Omo!!! KIM TAEHYUNG!!!" no response from him

Nakapikit lang sya at nakahiga sa kama tapos hindi man lang talaga nagalaw.

"Syete V hindi magandang biro ito ah!! Magmulat ka na dyan." wala pa din.

"Hoyy Kim Taehyung!!! Ano ba magmulat ka na dyan. Haluhh!!" inalog alog ko sya, hindi na ako natutuwa.

"Taehyung naman eh. Oyy gumising ka nga. Nakakaasar ka naman eh." wala pa din talagang response at nakapikit pa sya.

"KIM TAEHYUNG HINDI KA PWEDE MAMATAY!!! Sorry na!! Bumangon ka na dyan. Hindi ko sinasadya yung kanina." tapos chineck ko yung paghinga.

Inilapit ko yung tenga ko sa may banda sa ilong nya para maramdaman ko kung humihinga sya. Habang ginagawa ko yun naramdaman ko na may yumakap sakin. Tapos napatingin ako kay Taehyung na naka smile.

"Natakot ka ba?" at talagang ngiting ngiti pa sya.

Nagpumiglas ako para makaalis sa pagkakayakap nya pero ayaw nya ako pakawalan.

"Taehyung. Let me go!!" sambit ko habang nagpupumiglas.

"No no no no!! Hahahaha!!" sabi nya pa.

"Alien ka V!! Pakawalan mo ako nang masapak na kita." pagbabanta ko.

"Eh di mas lalo kita hindi pakakawalan dahil gusto mo ako sapakin. Hahahaha!!" at lalo pa humigpit pagkakayakap nya sakin.

Ako naman todo pumiglas makawala lang sa sumpa ng isang alien. Juskoo bakit ba kasi hindi ako makaalis dito? Ganito ba kalakas ang mga alien?

"Oh my gawhd!" napatingin kami sa nagsalita.

Nang makita namin yun naramdaman ko naman ang pag alis ng pagkakayakap sakin ni V. Tapos tumayo na ako sa kama at inayos ang buhok ko. Si Taehyung naman tumayo din sa kama at palabas na sana ng kwarto ng iniharang ni Lyka ang kamay nya sa pintuan dahilan ng paghinto ni Taehyung sa harapan nya. Tumingin ng masama sakin si Lyka.

"Anong ginagawa nyo dalawa?" tanong nya.

"Wa..." pinutol agad ni Lyka ang sasabihin ni V.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon