28

18 2 0
                                    

Jimin's POV

Katatapos lang ng meeting namin, tungkol lang pala sa pagbabago ng sched namin sa practice kasi madagdagan na naman ang mga ituturo saamin. From 7am to 12nn dance lesson, then 1 hour break time. 1pm to 3pm naman vocal lesson and 3pm to 7pm instrumental lesson. Depende kung ano yung instrument na gusto naming matutunan, ako kasi piano lesson. Ayun lang naman ang pagbabago saamin.

Ngayon nandito na ako sa lobby at hinihintay si Mina, nag aya kasi siya na mag hangout daw pero hanggang ngayon wala pa rin e. Ilang minuto pa ako naghintay kay Mina at sa wakas dumating na rin.

"Kanina ka pa ba?" Tanong saakin ni Mina.

"Hindi naman masyado." Sagot ko.

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nagulat ako ng biglang hatakin ni Mina braso ko.

"Oyy nice hahaha all black ka rin ah? Wews gaya-gaya si Jimin hahahaha!!" At tumawa siya.

Tumingin ako sa suot niyang damit naka all black din pala siya. Para kaming lamig na lamig ngayon e samantalang summer naman sa Pinas hahaha hayaan na nga.

"Sobrang lamig sa Pinas noh? Hahahaha but it's okay na nakaganyan ka para hindi ka masyadong mangitim sa pupuntahan natin lalo na kapag tanghali na hahaha!!" Saad niya.

"Bakit saan ba punta natin?" Tanong ko.

Wala kasi akong kaalam-alam kung saan kami pupunta e. Basta sabi niya hangout daw.

"Hahaha sa EK, you know naman ang ganda kasi dun, hindi pa ako nakakapunta dun e." Sabi niya.

"Ako rin naman e. Kaya ayos lang na dun tayo magpunta, kaya lang parang ang layo naman nun dito. What time tayo makakarating dun?"

"Hahahaha saglit lang yun may private car naman tayo at magpapahatid tayo sa driver namin. Makakarating tayo agad dun bago mag open yun kasi ang open nun ay 11pm pa." Pagpapaliwanag niya.

After nun sumakay na kami sa kotse nila Mina para magtungo na sa EK kung saan siya nag ayang mag hangout daw. Sa loob ng kotse nila nagkwento si Mina ng kung anu-ano.

"Ang tunay kong name ay Mina Sharon Kim tapos pinanganak ako sa US kasi that time busy si Mommy sa business namin doon. Then dalawa lang kami ni Kuya. Hmm may secret ako pero wag na wag mong sasabihin kay Kuya ha? Naku malalagot kasi ako dun." Pakiusap niya.

"Oo naman, hindi naman kami close ng kuya mo para magkwento ako ng naikwento mo na saakin." Saad ko sakanya.

"Actually may boyfriend ako 1 year and 6 months na kami nasa Korea siya ngayon e. Kaya nga ako umuwi dito sa Pilipinas para sana makasama siya kaya lang bigla naman pala siyang nagpunta dun para sa business ng parents niya. Hindi pa nga kami nag uusap nun e. Chat minsan pero parang busy talaga siya e." Kwento ni Mina.

"Ah talaga? Akalain mo yun may pumatol pala sayo hahaha!!" Biro ko sakanya.

"Hoy ang kapal mo!! Maganda naman ako noh!! Wag ka ngang epal dyan kainis ka naman. Ang ayos ayos ng kwento ko tapos ganyan ka pa sakin. Inaya rin kita kasi sobra akong nalulungkot nagtalo kasi kami nun kasi mas pinili niyang samaha yung friend niya raw na babae kaysa sa makausap ako ng buong araw. Monthsary namin kasi tapos isang araw lang hindi pa niya maibigay sakin yung time na yun? Isang araw lang, Jimin. Ipinagkait niya pa saakin, hindi pa nga kami nagkikita nun ang tagal tagal na." Patuloy niyang pagkukwento.

"Hindi pa kayo nagkikita talaga?" Tanong ko.

"Hindi pa, hindi ko nga alam bakit ako nagtitiis e." Nakita ko ang bakas ng lungkot sa mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon