3

130 8 2
                                    

Maaga ako gumising para magpunta sa bahay nina Kristal. Alam ko kasing nagtatampo pa din sya sakin.

"Saan ka pupunta Jimin?" gising na pala si Rapmon hyung.

"Sa bahay nina Kristal." sagot ko naman.

"Hindi ba sya na lang ang magpunta dito?"

"Hindi hyung, nagtampo kasi sya sakin dahil....."

"Dahil iniwan mo sya sa theme park kahapon." napatingin kami kay V.

"Ohh V gising ka na pala." sabi ni Rapmon hyung.

"Hindi ko naman sinadya yun. May emergency lang talaga sa bahay kahapon." paliwanag ko.

"Bakit anong nangyari Jimin?" natatarantang tanong ni Rapmon hyung.

Sasabihin ko ba sakanila ang dahilan? Natatakot ako na baka magalit sila sakin.

"Ahh wala hyung family matters. Sige una na ako." paalam ko.

Palabas pa lang ako ng dorm ng pumasok si Kristal.

"Kristal??!!!" gulat kong tanong.

"Good morning Chimby!!" bati nya sakin tapos nag smile.

"Bakit.. Bakit nandito ka?" nagtataka lang kasi ako. Nagtampo sya sakin kagabi at hindi pa kami nagkakausap. Pero hindi kaya... "...hindi ka na ba nagtatampo sakin?"

Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Hindi na Chimby. Nagtampo lang kasi iniwan mo ako pero naiintindihan ko naman." humiwalay sya pagkakayakap sakin tsaka nag smile.

"Ohh okay na pala kayo." singit naman ni Rapmon hyung.

"Tss." saad ni V at dumiretso sa kusina.

Lahat kami kwestunable sa pag "tss" ni V. Pero hinayaan na lang namin, tsaka mahalaga sakin ngayon okay na kami ni Kristal. Pumasok naman si Lyka kasama si Jin hyung.

"Ohh bakit nandito ka?" tanong ni Kristal sa kapatid.

"Wag ka ngang ano dyan. Akala mo ba ikaw lang? Akala mo ba laging ikaw lang? May karapatan din ako." humuhugot ba sya o nagiging mongloid lang.

"Ewan ko sayo Lyka nagtatanong lang ako." sabi naman ni Kristal.

"Hahaha tama na yan. Magpapalit lang ako ng damit tapos aalis na kami." explain ni Jin hyung tapos pumasok sa kwarto.

"Saan punta nyo?" tanong ko kay Lyka.

"Oo nga. Aga aga mo umalis sa bahay kanina. Saan kayo galing at saan kayo pupunta ng ganito kaaga?" over protective na ate si Kristal.

"Maaga pa ba? 8 na kaya ohh. Tsaka 6 ako umalis sa bahay para magpunta sa salon." sagot ni Lyka.

"Wehh ano ginawa mo sa salon?" tanong ni Kristal.

"Nagpabunot ng ngipin." ohhhkay hahahaha

"Whahahaha wala ka pala sa kapatid mo Kristal. Hahaha!!" sabi naman nitong si Jungkook na kanina pa pala nanonood ng tv.

"Tsee!! Playboy hmmp." pagkasabi ni Kristal nun agad naman nilakasan pa ni Jungkook ang tv.

"Hoy Kookie hinaan mo nga yan!! Natutulog pa si Suga hyung. Magagalit yun kapag nagising." saway ni Rapmon hyung.

"ANO!! WALA AKO MARINIG!! MALAKAS YUNG TV EHH!!!" hayysss juskoo naman Jungkook hanggang kailan ka magiging ganyan.

"SABI KO HINAAN MO YUNG TV KASI BAKA MAGISING SI SUGA HYUNG MAGAGALIT YUN!!!" sigaw naman ni Rapmon hyung.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon