21

38 4 0
                                    






Hanggang ngayon lutang pa rin ako dahil sa nalaman ko. Ang hirap naman kasing tanggapin ng ganun diba?

Yung inakala kong makakapag unwind ako sa Paris para kahit saglit hindi ko maisip yung mga salitang binitawan sakin ni Jen. Kaya lang ang bad timing ni Tadhana, bakit ngayong gusto ko magpahinga sa sakit, now ko pa nalaman na yung fiancee ng anak ng CEO namin ay ang lalaking mahal na ngayon ni Jen.

"Jimin!" Nagulat ako nang tinawag ako ni Angelo.

Madali kong tinakpan ang bibig nya. Ayoko kasing malaman ni Jen na nandito ako. Na nasa iisang flight lang kami at sa iisang destination lang kami pupunta.

"Shhh. Wag mo nga isigaw name ko!" Saway ko sakanya.

Tinanggal niya yung kamay ko sa bibig nya.

"E ano naman? Ikaw naman talaga su Jiiimmmii—"

Hindi na niya ulit natuloy ang sinasabi niya dahil tinakpan ko ulit ang bibig niya.

"Pwede ba? Oo na. Ano ba kasi kailangan mo saakin?" Tanong ko.

Nakakairiti na kasi siya. Ano ba kasing kailangan saakin ng taong to?

"Tatanong ko lang sana kung bakit hanggang ngayon naka shades at naka face mask ka pa rin?" Yun lang? Dahil lang dun?

"Gusto ko. Bakit may problema ba? Dun ka na nga gusto kong magpahinga muna. Inaantok ako. Alis na!" Pagtataboy ko kay Angelo.

"Tsk. Oo na!" Irritable siyang umalis sa tabi ko.

Paano kung malaman ni Jen na nandito ako? Na magkasama kami? Pero bakit ba ako natatakot na malaman niya? Una sa lahat wala naman siyang pakialam saakin dahil si Minjae na lang naman ugnayan namin. Pero kung maikakasal sila. Magiging Kim ang surname ng anak ko? Hindi ako papayag tangina.

Tumayo muna ako para pumunta sa cr. Kailangan kong mag isip ng ibang way para hindi matuloy ang kasal nila. Park ang magiging surname ng anak ko at hindi Kim. Sa sobrang inis ko nasipa ko yung pinto ng cr.

"Heeeey!!!"

Nagulat ako nung may magsalita mula sa loob ng cr. Mayamaya bumukas ang pinto. Lalo ko pang ikinagulat nung lumabas ang anak na babae ng CEO namin.

"You didn't know na may tao sa loob?" Medyo masungit na pagkakasabi niya saakin.

"Ahh sorry po Miss Kim. Hindi ko po sinasadya." Paghingi ko ng paumanhin.

Nakakahiya 'to baka mamaya kung ano pang masabi saakin nito.

"Hmp. Okay". She replied.

Yun na yun? Napalagpas na agad niya?

"But one thing I want to say". Mataray na siya kasi nakataas ang isa niyang kilay kunot ang noo.

"Ano po yun?" Para akong maamong tupa dito.

"Do you know where we are, right?"

"Yes po."

"Then why ka naka shades and mask? Like duh, take it off. Gusto ko makilala kung sino ka".

Dahil dun agad kong tinanggal ang shades at mask ko. Hindi ko alam kung bakit parang nagulat at namula ang mukha nitong babae sa harap ko. Agad siyang yumuko at umalis na sa harap ko.

"Anong problema nun?" Ang labo naman niya.

***

Umaga na kami kami nakarating sa Paris tapos dumiretso na kami sa hotel na tutuluyan namin. Binalik ko rin pala agad yung shades at mask ko dahil baka makilala ako ni Jen.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon