24

24 2 0
                                    

Nagpapahinga ako sa loob ng room ko sa hotel dahil sumakit ang ulo ko sa sobrang kulit ni Mina, nakakabaliw yung mga pinaggagawa niya. Idadamay pa niya ako sa kabaliwan niya e. Hindi ko akalin na ang isang mayamang babae ay mas korni pa sa mais. Iniopen ko yung phone ko para mag scroll sa SNS ko kaya lang wala naman ako ibang masagap. Si Hoseok hyung nasa bakasyon din ang kaibahan nasa Tagaytay sila hahaha, ako nasa England. Kaya lang hindi rin naman ako matutuwa at marerelax dito dahil nakikita ko rin si Jen at kasintahan pa siya nung lalaking yun. Anak ng CEO? O baka nga CEO na talaga yun e.

Nagulat ako ng may mag pop-up na message sa notif ko.

"Kita tayo sa rooftop ng hotel. We nees to talk something about Minjae".

Galing kay Jen ang message na yun. Nagdadalawang isip ako kung makikipagkita ako sakanya kasi masakit pa rin e. Masakit yung nangyari nung nakaraan, alam ko naman na kasalanan ko yun kaya humantong kami sa ganito. Tsaka nagmukha pa akong tanga katatago sa sarili ko alam na pala niyang ako 'to.

Pero napag-isip isip ko na hindi naman tungkol dun ang pag uusapan namin e. Kaya nagmadali ako at kinuha ang jacket ko. Tinungo ko ang daan papunta sa rooftop ng hotel. Pagsapit ko doon dim ang paligid at tanging sinag lang ng buwan ang nagpapaliwanag sa paligid. Malamig ang ihip ng hangin, maganda ang tanawin dito dahil tanaw ang Eiffel Tower

Nagpalinga linga ako at hinanap si Jen, nakita ko siyang nakatanaw sa kagandahan ng paligid. Lumapit naman ako sakanya. Naramdaman siguro niya ang pagdating ko kaya lumingon siya saakin.

"Nandito ka na pala". Panimula niya.

"Ano ba yung dapat natin pag usapan tungkol kay Minjae?" Tugon ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

"After ng kasal namin ni Minhyuk, iiwan ko muna si Minjae sayo. Pagbalik namin tsaka ko siya kukuhain". Sabi niya.

"Pinahiram lang pala". Sarcastic kong tugon.

"Matagal-tagal naman yun e. Aayusin kasi namin ni Minhyuk ang mga papers ni Minjae after wedding. Sa Australia na kami nagdesisyong tumira kasama si Minjae". Paliwanag niya.

"At bubuo kayo ng pamilya doon? Iwan mo na lang saakin ang anak ko. Tutal naman magkakaanak din kayo ng bago, maseset aside niyo lang ang anak ko". Diretso kong sabi sakanya.

"Anong pinagsasasabi mo? Hindi ko gagawin yun sa sarili kong anak, mshal ko siya higit pa sa kanino. Isa pa anak na rin ang turing ni Minhyuk kay Minjae. Nagpakatatay siya sa anak natin nung mga panahong hindi mo nagawang maging ama sakanya". Laban niya sa sinabi ko.

"Magagawa ko yung responsibilidad ko sakanya kung hindi mo itinago saakin ang katotohanan. Hinanap kita!! Buong Pilipinas hinalughog ko pero paano kita makikita kung sadyang nagtatago ka? Sinabi ko na sayo nung nakaraan na pinagsisisihan ko na lahat nang nagawa ko sayo. Tinalikuran ko lahat mahanap ka lang, iniwan ko si Kristal para sayo!! Inakala kong kapag nahanap kita maiaayos natin lahat. Mali ako! Ngayon hindi ako pumapayag na magpakasal ka dahil ayokong magkaroon ng ibang ama ang anak ko. Isipin mo yan!" Nanggigigil ako sa galit habang sinasabi yan.

"Anong karapatan mo para diktahan ako? Sino ka ba sa akala mo?"

"Ama ng anak mo!!" Sagot ko.

"Na binalewala kami!! Kung ayaw mong iwan ko muna si Minjae sayo, edi wag. Basta after nun hindi mo na siya makikita ulit!!"

Agad na siyang pumasok sa pintuan ng hotel. Naiwan ako mag-isa dito sa rooftop. Naiiyak ako kapag narerealize ko lahat-lahat, hindi ko ba pinagsisihan ang mga nagawa ko? Baka naman please. Baka naman oh!

Napaupo na lang ako sa sahig at tumulo na ang luha ko habang nakatanaw ako sa maliwanag na buwan. Baka naman may pagkakataon pa na maitama ko ang pagkakamali ko please. Help me!





I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon