7

83 8 0
                                    

Kristal's POV

"Taehyung-ah...." tapos niyakap ko sya.

"Bakit?" saad nya.

"Ganda dito. Thank you." pagpapasalamat ko sakanya.

"Hahaha you're welcome babe." then he smiled at me.

"Yahh!! Babe? Suntukin kaya kita dyan." banta ko sakanya.

"Hahaha ikaw talaga.... BABE!!" tapos kumaripas sya ng takbo.

Ako naman ito hinabol sya, ang kulit nya talaga para talaga syang alien. Hindi ko expected na mafafall ako........








Mafafall sa buhangin. Bakit kasi hinabol ko pa si Taehyung.

"Ok ka lang?" nandito na sya sa harapan ko.

"Kasalanan mo ito." panininisi ko sakanya.

Tapos tumayo ako tsaka pinagpag yung mga buhangin na dumukit sa legs ko. Nang mapatingin ako kay V, hala yung itsura nya.

"Bakit ganyan itsura mo?" ang lungkot ng mukha nya.

"Sorry." sambit nya.

Hahaha sineryoso nya yung sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako. Hinawakan ko sya sa ulo kahit.. Kahit hindi ko abot dahil ang tangkad nya.

"Joke lang yun. Ano ka ba? Smile ka na." pagkasabi ko nun nag smile naman sya.

"Ahh Kristal gusto mo kumain? Nagugutom kasi ako hihihi." ang cute talaga nitong si V gusto ko gawing key chain. Kaya lang may key chain na ako.

Tsss erase erase!! Kaya ako sumama kay V dito kasi gusto ko mag relax. Gusto ko kalimutan yung mga nagawa sakin ni Jimin. Nitong mga nakaraan araw bigla na lang nya ako nasisigawan, at kung minsan nasasaktan nya ako physically. Kahapon lang kinalimutan nya ang anniversary namin.

"Ahahaha sige tara nagutom din yata ako. Ayoko naman kumain ng buhangin." biro ko sakanya.

"Hala hindi kinakain yung buhangin." sagot nya pa.

Hinatak na nya ako at dinala sa isang resto dito sa beach.

"Anong gusto mo?" tanong nya sakin.

"Ahh kahit ano okay sakin." sagot ko at nag smile.

"Ah okay wait mo ako dito." tapos nagpunta na sya dun sa counter para umorder.

Ang daming bagay pumapasok sa isip ko, hindi ko alam kung tama ba ito o mali. Iniisip ko lang naman kasi, what if si Taehyung yung bf ko, magiging masaya kaya ako?

"Erase erase erase!! No Kristal. Mali iniisip mo. Haysss!!" para akong baliw na nagsasalita mag isa hahaha

"Miss." tapos tumingin ako dun sa nagsalita.

"Ah yes?" sambit ko.

"Yung lalaking yun." sabay turo kay Taehyung na nandun sa counter. Tumingin naman ako. "Boyfriend mo ba sya?" nagulat ako sa sinabi nya.

"Ha? Hindi friend ko yun. Bakit? Tsaka sino ka?" tanong ko sakanya.

"Ahh wala naman. Sige alis na ako." tapos bigla syang umalis.

Nakakapagtaka yung babaing yun, biglang dadating tapos tatanungin ako kung boyfriend ko daw ba si Taehyung then sabay lalayasan ako without knowing her name. Kaloka!!

"Anong meron dun?" nandito na pala si V sa harap ko.

Inilapag na nya yung tray na may pagkain tsaka naupo sa harapan ko.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon