12

95 7 0
                                    

"Ate Kristal gising na kung gusto mo pa sumabay saamin pauwi."

Nung marinig ko ang boses ni Lyka automatic naman akong napatayo sa pagkakahiga.

"Wait maligo lang."

Nagmadali na ako mag ayos ng sarili ko, gustong gusto ko na talaga makauwi dahil sa totoo lang miss na miss ko na si Jimin. Yung pandak kong boyfriend pinakilig ako kagabi.

(A/N: Hindi pa nga kayo ulit ehh hahaha)

Tse basta miss ko na yung mahal kong pandak hahahaha.

Pasakay na akong ng kotse ng mapansin kong wala si Taehyung.

"Wala si Taehyung?" tanong ko kay Jin at Lyka.

"Ahh wala eh baka nag jogging." sagot ni Lyka.

"Oo narinig ko mag jogging nga sila, kausap nya si Sheila kanina eh." sambit naman ni Jin.

Ah so magkasama pala sila. Okay mukhang nagkakamabutihan na sila mabuti yun.

"Magpapaalam sana ako pero hayaan nyo na. Tara alis na tayo miss ko na si Jimin hihihihi." utos ko.

Sumakay na ng kotse si Jin at nag drive na, tapos ito namang si Lyka bigla na lang ako sumutsot. Ano yun?

"Ohh bakit?"

"Kayo na ulit ni Pandak?"

"Hoy!! Wag mo nga tawaging pandak yung babe ko" pagtataray ko.

"Tsk!! Sagot na lang kasi dami pang ngawa eh." grabe talaga itong si Lyka.

"Hindi pa ulit. Pagbalik ko dun kami na ulit hihihi."

"Oyy katawang landi mo ah. Baka mamaya malaman laman na naman namin ni Mommy sinasaktan ka ni Jimin."

"Sinasaktan ka ni Jimin?" tanong ni Jin.

Tiningnan ko ng masama si Lyka. Wala naman kasi nakakaalam na napagbubuhatan ako ng kamay ni Jimin.

"Ahh I mean yung feelings nya hahaha. Mag drive ka na nga lang dyan hihihi." palusot ni Lyka.

Mabuti naman at nakaisip sya ng palusot juskoo mabibingo sya sakin eh.

Ilang oras lang ang tinagal ng byahe namin, nagstop lang kami dahil bumili kami ng souvenirs for Jin's mom and dad at nakarating na din kami sa Manila. Umuwi muna ako sa bahay at nagpalit ng damit tapos tinext ko na si Jimin kung saan kami magkikita.

Habang naghihintay ako nag ring yung phone ko.

Taehyung's calling...

"Ohh bakit naman sya tumatawag?"

Agad ko naman sinagot ang tawag

"He...."

"Bakit? Bakit umalis ka na?" seryoso ang tono ng boses nya.

"Ahh ikaw talaga kanina pa kami umuwi maggagabi na ngayon mo lang nalaman na umuwi kami hahaha." sabi ko

Ehh kasi totoo naman dahil morning na kami umalis tapos ngayon nya lang napagtanto na umuwi na kami. Ayy siguro nag enjoy sila ni Sheila mag jogging kaya inabot sila ng gabi whahahaha.

"Kristal!!!" tawag sakin ni Jimin na papalapit na sakin.

"Ahh sige Taehyung usap na lang tayo later nandito na kasi si Jimin."

tsaka ko ibinaba ang call. Tumayo ako at sinalubong ng ngiti si Jimin. Pagharap sakin ni Jimin agad nya akong niyakap ng sobrang higpit.

Parang ilang taon kami hindi nagkita, sobrang namiss ko ang lalaking ito. Yung mga masasakit na bagay na nangyari nun parang nawala na lahat dahil sa magkayakap kami. Ramdam ko din ang pagmamahal ni Jimin sakin kaya natutuwa ako.








I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon