19

41 6 1
                                    


"Hey Jimin!!"

Bumalik lang ako sa realidad nung marinig ko yung pagtawag saakin nung choreographer.

"H-ha?!" Nauutal pang sabi ko.

"Kulang ka sa focus. Let's have a break and set your mind." Paalala niya saakin.

After nun lumabas na sya, ako naman ay napaupo sa isang sulok. Nakakaasar lang kasi hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Jen kagabi. Yung ang hirap lang tanggapin na sa loob ng mahabang panahon at maraming taon na hinanap ko sya, wala rin pala. Mali, nakilala ko ang anak ko, anak namin pero hindi naman kami mabubuo bilang isang pamilya.

Masakit na malaman sa part ko na may iba na syang mahal, na hindi na ako yung mahal nya. Gusto kong ibalik lahat, lahat lahat kung pwede lang pero malabong mangyari yun.

"Bakit ba kasi hindi ko sya pinahalagahan nung akin pa sya?!!" Napasabunot na lang ako sa sarili ko nang marealize ko ang katangahan ko noon.

Ano ba dapat ko gawin? Ibalik siya saakin? Pero may iba na siyang mahal. Hindi ako makapag isip ng tama, kainis!!

Kakaisip ko sa dapat kong gawin ibang paraan na ang pumasok sa isip ko.

Dialling Jen...

"Oh Jimin." Bungad nya "Napatawag ka? Bakit?"

"Ah pwede ko ba kayo makasama mag lunch?" Blanko ako basta straight to the plan ako.

"Sorry may gagawin ako mamayang lunch." Sagot niya.

"Dinner? Pwede ba?" Sana naman pwede na please.

"Dinner? Hmm...." at bigla ko narinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. "Babe, sa bahay na raw kayo mag dinner sabi ni Mom and Dad, gusto rin daw nila makilala ang family mo."

Pagkarinig ko nun parang nanlambot mga tuhod ko. Nakakampanlumo.

"Hello, Jimin?" Boses na ulit ni Jen ang narinig ko.

"Ah sige next time na lang mukhang may appointment na kayo mamaya." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at ini-end ko na yung call.

Lalo ako nawala sa mood dahil sa narinig ko, hindi ko alam kung talagang may pag asa pa akong mabalik siya sakin at mabuo pamilya namin.

"Jimin, okay ka na ba? Simulan na ba ulit natin ang rehearsal?" Nasa harap ko na pala yung choreographer namin.

"Hmm, sasama po ako sa Paris." Yun na lang ang nasabi ko sakanya.

Alam kong hindi yun ang tinanong niya sakin pero yun ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Tsaka gusto ko muna mag unwind at mag isip na lang dun ng paraan kung paano ko mapapabalik saakin si Jen.

Gabi na ako nakauwi at gutom na gutom ako, wala rin naman kasi ako sa mood na kumain kanina. Luckily nakapag practice pa ako kahit gutom ako. Pagdating ko naamoy ko agad ang luto ni Jin hyung.

"Oh Jimin tara na kumain ka na. Tamang tama ang pagdating mo kakaluto ko lang." Pag aalok ni Jin hyung saakin.

Ibinaba ko yung gamit ko sa kwarto, nagpalit ng damit at pumunta na sa dining area. Kami lang lima ang nandito sa dorm. Ako, si Jin hyung, Suga hyung, Namjoon hyung at Jungkook. Si V nasa Korea at si Jhope hyung naman nasa Baguio.

"Pandak mo talaga!!" Narinig ko na lang na sinabi ni Jungkook saakin.

"Ano ba yun?" Singhal ko sakanya.

"Tingnan mo nga yang inaabot mo? Ayun yung kanin hindi yang decorations. Hindi mo maabot no?" Kung Hindi ko lang krass si Kookie baka nabatukan ko na.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon