15

90 9 2
                                    






Mababaliw na ako!!! Hindi ko kasi alam kung saan ko hahanapin si Kristal maging si Lyka nga hindi alam eh. Alam ko din na walang alam si Taehyung dahil sya din aligaga sa paghahanap kay Kristal.

"Kinakabahan ako hyung." sabi ko kay Jin hyung.

"Kumalma ka nga dyan."

"Hyung paano?? Paano? Nawawala si Kristal kagabi pa tapos yung phone niya nakita sa may kalsada. Hyung baka kung ano na nangyari dun." nag aalala kong sabi.

"Wag ka nga mag isip ng ganyan Park Jimin." saway naman ni Rapmon hyung.

Napaupo na lang ako at isinubsob ang mukha sa mesa.

Ano ba nangyayari sa buhay ko? Madami ba akong nagawang kasalanan para magkaganito yung buhay ko? Kakaayos lang ng relasyon namin at ngayon ito na agad ang bubungad? Hayop naman talaga oh!!


Biglang may phone na nag ring, napatingin kaming lahat. Phone lang pala yun ni Taehyung. Ikinagulat namin lahat ang biglang pagsigaw ni V.

"TANG*NA!! WAG SYA!!"

"Anong nangyari V?" curious na tanong ni Suga hyung.

"Pupuntahan ko si Kristal." sagot ni V.

Agad naman syang lumabas ng dorm. Ano daw yun? Si Kristal pupuntahan nya? Saan?

Nang marealize ko agad naman akong napatakbo dahil kinabahan ako bigla. Sumunod ako kay Taehyung at mabuti naman naabutan ko sya. Pagsakay ni Taehyung sa kotse nya, sumakay din ako.

"Bakit ka nandito?"

"Gusto ko sumama sayo dahil alam kong alam mo na kung nasaan si Kristal." saad ko.

"Tsk!!!" tugon nya.

Pinaandar naman nya agad yung kotse, mabilis ang pagpapatakbo nya dito pero mas mabilis ang tibok ng puso ko dahil sobrang kabado ako. Wala sana may masamang mangyari kay Kristal baka hindi ko kayanin.

Sa isang lumang bahay kami napadpad ni Taehyung. Hindi sya nag dalawang isip na pasukin ang bahay kaya sumunod na lang ako. Nang tuluyan na kami makapasok sa loob limang lalaki agad ang sumalubong saamin. Yung isa na nasa gitna lumapit kay V.

"Hey V buti nandito ka." bungad nito at nag smirk.

"Ilabas nyo sya." nanggigigil na sabi ni Taehyung.

"Relax!! Ikaw talaga masyadong atat. Natatandaan mo ba ako?" sabi nung lalaki na may pagka bossy type.

"Oo. Ikaw yung asong ulol dun sa tabi ng basurahan." sagot ni V.

Nagulat ako dahil agad na nasuntok si V nung lalaki.

"V!!" sigaw ko.

Saakin naman napatingin yung lalaki.

"Hahaha V may kasama ka pa lang bata bakit hindi mo sinabi sakin." inaasar ba nya height ko?

Nilapitan ako nung lalaki at ginulo gulo ang buhok.

"Wag mo pakiaalaman buhok ko." palaban kong sabi.

"Matapang ka?" Isang suntok sa sikmura ang nakapagpaupo sakin.

Halos mamilipit ako sa sobrang sakit nung suntok. Tapos unti-unti kong nakita si Kristal nagpupumiglas dahil hawak sya nung dalawang lalaki.

"P-pakawalan nyo sya!!" saad ni V habang pinipilit tumayo.

"Wow naman Kim Taehyung hahaha."

"Ang sabi ko bitawan nyo sya!!" lalo pang lumalapit si Taehyung kaya nakatanggap sya ng sipa.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon