4

114 4 1
                                    

Nandito kami ni V sa isang restaurant, inaya ko sya kumain pero wala naman akong gana.

"Kristal nagpunta tayo dito tapos hindi ka kakain?" tumingin ako kay V.

"Wala ako gana kumain." sabi ko

"Pwede ba kahit ngayon lang bigyan mo naman ng pansin sarili mo." sabi sakin ni V.

"Binibigyan ko naman ng pansin ah? See ang ganda ko naman." sabi ko sakanya tapos nagpa cute ako.

"Tingnan mo nga itsura mo. Para kang lantang gulay. Hoyy may sakit ka ba? Kumakain ka ba sa tamang oras?" reporter naman itong si V.

"Hayy naku V. Oo naman, wag ka na mag alala sakin. Kumain ka lang dyan, libre ko yan don't worry." tapos bumalik na sya sa pagkain.

Habang tinitingnan ko si V isang pamilyar na mukha ang nakita ko."Jen??!!" napatayo ako sa kinauupuan ko.

"Sino yun Kristal?" tanong ni V.

"Si Jen yun." sabi ko kay V.

Sinundan ko yung babae. Hinawakan ko sya sa kamay at iniharap ko sakin. Sya nga!!

"Jen ikaw na ba yan?"

Namamangha pa din ako dahil hindi ako makapaniwala na si Jen na matagal na nila hinahanap nasa harapan ko.

"Jen saan ka ba nagtago? Alam mo bang matagal ka na nila hinahanap? Maging si Jimin... Oo si Jimin hinahanap ka." sabi ko pero nakatingin lang sya sakin. "Jen naiintindihan mo ba sinasabi ko?"

"Sorry miss hindi ko kilala yang sinasabi mo. Tsaka hindi Jen yung name ko. Ako si Yeeun, nagkamali ka lang siguro. Mauna na ako." hindi ko binatawan ang kamay nya.

"Alam kong ikaw si Jen. Hindi ako pwde magkamali ikaw si Jen....." at isang lalaki ang lumapit sa amin.

"Yeeun!!" tawag ng lalak.

"Minhyuk!!" sabi naman nya.

Binitawan ko yung kamay niya. Tapos napatingin ako sa batang buhat nung Minhyuk. Tapos kinuha nung Yeeun.

"Tara kay mommy. Minjae."

Natulala lang ako dito at tinitingnan sila maging ang bata na buhat ni Jen, hindi ni Yeeun pala. Yung bata ang age is 2 to 3 y/o.

"Yeeun anong problema dito?" tanong nung Minhyuk.

"Akala nya kasi ako yung taong hinahanap nya. Tinatawag nya akong Jen." paliwanag nya dun sa lalaki.

"Miss baka naman nagkamali ka lang. Yeeun ang name nya at hindi Jen." paliwanag nung lalaki sakin.

"Kristal bakit anong me..... Jen??!! Jen ikaw ba yan?" si V na nasa tabi ko na.

"Hindi V mali, hindi yan si Jen." sabi ko kay V.

"Sige miss mauna na kami. Umiiyak na anak ko. Sana makita nyo na yung totoong Jen." tapos umalis na yung babae.

Yung bata kamukha ni Jimin. Ganun yung itsura ni Jimin nung bata sya.

"Si Jen yun. Sya yun diba? Dapat malaman ni Jimin ito." kinuha ni V ang phone nya at nag dial.

Pinigilan ko sya at pinatay ang call.

"No please!! Hindi si Jen yun. Hindi sya yun Yeeun ang name nun. Hindi sya si Jen." tapos napayakap ako kay Taehyung. Umiiyak na naman ako.

"Kristal." sambit ni V.

"Please. Ayoko mawala sakin si Jimin. Wag mo sabihin yun, isipin mo na lang hindi talaga si Jen yung yung nakita natin. Please Taehyung." halos magmakaawa na ako kay V.

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon