9

89 6 2
                                    

Kristal's POV

Hindi ko alam kung tama na ba yung nangyari kanina. Oo makikipaghiwalay din naman ako kaya lang hindi ko sana itutuloy na yun kung magsosorry ulit si Jimin sakin at sasabihing babawi sya pero hindi pala sya pa nagsabi nun. Siguro hindi naman talaga ako mahal ni Jimin, napilitan lang siguro sya dahil lagi ako nasa tabi nya. Ang totoo nyan si Jen pa din yung mahal nya kahit wala na si Jen. Ay mali nagbalik na si Jen pero hindi pa lang alam ni Jimin, sigurado ako na kapag nalaman nya yun hahanapin nya si Jen at mawawalan na talaga ako ng silbi sa buhay ni Jimin.

Napabuntong hiningi na lang ako at tumingin sa may dagat.

"Kristal." napalingon ako sa likuran ko.

"Ahh. Taehyung!" sambit ko at lumapit naman siya sakin tapos tumingin sakin.

"Okay ka na?" nakatingin lang ako sakanya hindi ko kasi alam isasagot ko.

Nabigla na lang ng akbayan nya ako at tumngin sya sa malayo, nanatili akong nakatingin sakanya.

"Kristal ayoko makita ka na nagkakaganun ulit. Hindi ko alam kung ano pa dapat kong gawin wag ka lang masaktan ulit ng dahil kay Jimin." seryoso na ang mukha nya.

"Taehyung-ah." sambit ko.

"Makita ka na nasasaktan, doble doble ang sakit na nararamdaman ko. Sa tuwing umiiyak ka ng dahil kay Jimin, gusto kong saktan sya pero pinipigilan ko sarili ko dahil alam kong kapag nasaktan ko sya masasaktan din kita. Yun ang ayaw kong mangyari, ayaw kita saktan katulad ng ginagawa sayo ni Jimin." bumuntong hininga sya.

"Kim Taehyung." at humarap sya sakin.

"Kristal, wag ka na bumalik kay Jimin. Please!!" hindi ko alam sasabihin ko.

Tumingin na lang ulit ako sa may dagat at saktong sunset na pala. Hindi ko pa alam eh, hindi ko pa talaga alam.







"Yahhh kain na wag ka na magmukmok dyan." sigaw ni Lyka.

"Hindi ako nagmumukmok tinatamad pa lang ako bumangon." sabi ko at nagtakip ng unan.

Nagulat ako ng hinatak ako ni Lyka dahilan ng pagkahulog ko sa kama. Dali dali naman akong tumayo at lumapit sakanya.

"Bakit ba!!!" sigaw ko

"Masarap kasi yung dinner natin. Kumain na tayo." napa sigh na lang ako. Wala ako sa mood makipagtalo kay Lyka.

Lumabas na lang ako ng kwarto at dumiretso sa dining area. Hmm bakit wala sya? Nakatulog kaya sya sa kwarto nya?

"Wala si V umalis, hindi ko alam kung saan pupunta. Kaya tayo lang ang kakain ngayong gabi." sabi ni Jin habang inaayos ang mga pagkain.

Naupo na ako at ganun din si Lyka at Jin. Teka lang hindi ko talaga maintindihan kung dinner lang ba ito or dinner date ng dalawang ito. Sa harapan ko pa nagsusubuan.

"Yahh nang aasar ba kayong dalawa?" at tumingin ng masama sakanila.

"Yahh kumain ka na lang dyan. Tsk!!" tapos nag make face sya. At balik sila sa ginagawa nila.

Hayyss pasalamat talaga wala ako balak makipag asaran ngayong gabi, kung nagkataon bibigwasan ko itong dalawa eh.

Kumain na lang din ako. Hindi ko na iniisip itong dalawa sa harapan ko, sayang naman kasi yung pagkain kung hindi ko ieenjoy at maiirita lang ako sa dalawang monggoloid sa harapan ko.

Nasaan kaya si V? May kinalaman kaya yung mga sinabi nya kanina kaya wala sya?

------------
12:04 AM

I Want You Back (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon